Certified Kapamilya na: Aljur Abrenica, leading man ni Vice Ganda sa The Revengers?

ADVERTISING

Certified Kapamilya na: Aljur Abrenica, leading man ni Vice Ganda sa The Revengers?

Certified Kapamilya na: Aljur Abrenica, leading man ni Vice Ganda sa The Revengers?
Aljur Abrenica with ABS-CBN executives

ANO KAYA ang magiging projects ni Aljur Abrenica ngayon na nasa kampo na siya ng Kapamilya Network?

 
Yesterday ay pormal na ang pagpasok ni Aljur bilang pinakabagong contract artist ng ABS-CBN.
 
Officially ay naglabas na ng picture ang ABS-CBN (Dreamscape) publicist na si Eric John Salut at opisyal na inihayag na isa nang Kapamilya si Aljur.
 
Sa photo na ipinost ni Eric John ay kasama ni Aljur ang mga top honcho ng Kapamilya Network na sina Cory Vidanes (Chief Operating Officer), Laurenti Dyogi (business unit head), at Deo Endrinal (Dreamscape production head).
 
Certified Kapamilya na: Aljur Abrenica, leading man ni Vice Ganda sa The Revengers?
Aljur Abrenica and Vice Ganda

As of presstime ay hindi pa nakakapirma sa ABS-CBN ng contract si Aljur.

 
Ang kapatid ni Aljur na si Vin Abrenica (from TV 5) ang una naging Kapamilya Star na gumawa na ng afternoon serye at pelikula sa Star Cinema.
 
Malamang, unang salang kay Aljur nito ay sa aksyon-serye ni Coco Martin na FPJ’s Ang Probinsyano na nagbibigay pagkakataon sa mga datihan na mga artista na nagbabalik sa pag-arte.
 
Yesterday, nagkaharap sina Aljur at Vice sa corporate office ng ABS-CBN. Na-star struck ang “unkabogable box-office star” kay Aljur knowing your VG.
 
Hindi kaya makasama si Aljur sa “The Revengers” na MMFF 2017 entry ng Star Cinema as Vice’s love interest?

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING