CERTIFIED FANGIRLS: Maymay Entrata at Kisses Delavin, nagpaka-faney kay Maine Mendoza!

ADVERTISING

CERTIFIED FANGIRLS: Maymay Entrata at Kisses Delavin, nagpaka-faney kay Maine Mendoza!

CERTIFIED FANGIRLS: Maymay Entrata at Kisses Delavin, nagpaka-faney kay Maine Mendoza!
Maymay Entrata and Kisses Delavin fangirls over Maine Mendoza

NAKAKATUWA ang recent social media updates ng promising Kapamilya stars na sina Maymay Entrata at Kisses Delavin.

Fresh from the success of their launching movie na Loving in Tandem at bonggang pagrampa sa kanilang first Star Magic Ball, muli na naman pinatunayan ng dalawang lovable Pinoy Big Brother babies na kahit they’re on their way to superstardom, normal pa rin sila tulad natin na fumafaney sa mga paboritong artista.

Hindi namin alam exactly kung anong event ang pinuntahan nina Maymay at Kisses at nakasalubong nila si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Sa Instagram post ni Maymay, she revealed na si Maine ang rason kung bakit gumawa ng Twitter account ang kanyang mommy na isang OFW:

ADVERTISING

Sa wakas! Nakapag pasalamat na po ako sainyo. ?❤️ Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit nag ka twitter si Mama ko. ?❤️Maraming OFW ang pinasaya mo kasali na si mama dun. Kaya di ko na pinalampas ang araw na to dahil kami hindi lang naging baliw sayo kundi naging inspirasyon ka din saaming lahat. We love you po Ms. Yaya dub! ?❤️
#nothingisimpossible

May ilang netizens naman ang naka-relate dahil maging sila raw ay napa-Twitter dahil sa AlDub phenomenon na nag-umpisa noong 2015.

Hindi rin naman nagpahuli si Kisses. Aniya, mukha lang siyang kalmado sa picture nila ni Maine, pero deep inside ay napapasigaw na ito sa kilig!

So… I just met @mainedcm. Yep. I might be smiling but inside, I’m screaming! Woah grabee!!! Have nothing but beautiful words about this girl. Didn’t expect her to be so kind! I admire her before, but now I admire her so much more when I met her up close. I so love people who are still so humble and approachable despite the success! I’m an instant fan of hers!
#AN1MO!
???Hihi!
#mainemendoza

On both social media postings ay nag-comment din ang beloved princess ng masa na si Maine Mendoza. Sana raw ay mameet nila ni Alden ang mommy ni Maymay at nagpakita rin ito ng appreciation kay Kisses.

Sa ngayon ay may kani-kanyang hukbo ng fans na rin sina Maymay at Kisses. Si Maine Mendoza, kahit na super sikat na siya ay nagfafaney pa rin sa mga paborito niya. Para sa amin, ang mga pinaka-cute na faney moment niya ay nang makilala niya si Kier Legaspi in person sa Eat Bulaga, na ultimate childhood crush niya.

Stay awesome and humble, Maymay and Kisses!

 

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING