CERTIFIED BUSINESSWOMAN: Kris Bernal, may bagong negosyo na naman!

ADVERTISING
CERTIFIED BUSINESSWOMAN: Kris Bernal, may bagong negosyo na naman!

NAKAKATUWA ang Kapuso actress na si Kris Bernal. Maliban sa pagiging isang magaling na teleserye actress (mapapanood siya tuwing hapon sa ‘Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko’ with Rayver Cruz, Megan Young and Kim Domingo), isa rin certified serial businesswoman ang dalagang ito!

Una, nagpatayo ito ng Meat Kris sa isang food park. Pagkatapos ay nag-invest ito sa isang Korean Restaurant. Pinag-usapan naman ang kanyang bonggang lipstick line na ‘SHE Cosmetics’. Ngayon ay isang breakfast place naman ang kanyang ilalaunch soon! Nagpatikim ang aktres/businesswoman sa kanyang bagu-bagong YouTube channel na in fairness, natural na natural ang kanyang pagiging vlogger! We love the confidence!

Panoorin ang bagong business venture ni Kris Bernal at who knows, baka manalo ka pa ng date with her! May tsika na nga, may tsibog pa!

         
 

Vlog Watch

ADVERTISING

 

ADVERTISING