CERTIFIED ARMY: Shaira Diaz, gusto makipag-body switch kay BTS JIN para makaharutan si Jungkook

VERY VOCAL ang magandang Kapuso actress na si Shaira Diaz na mahal na mahal niya ang BTS. She is a certified BTS ARMY! Hindi naman siya magco-collect ng BTS at BT21 Merch kung hindi niya mahal ang Bangtan Boys at maski sa kanyang katawan ay pinatattoo na niya Love Yourself album logo ng grupo. May purple heart tattoo rin ito na kapareha ng kanyang bias o favorite member na si Jungkook.

CERTIFIED ARMY: Shaira Diaz, gusto makipag-body switch kay BTS JIN para makaharutan si Jungkook
Shaira Diaz and BTS Jin (Kim Seokjin) | Inset: Jungkook of BTS

Nang matanong ang dalaga kung mabibigyan man ito ng pagkakataon na makipag-body switch with someone, napili niya si Worldwide Handsome JIN ng BTS. Bakit? Ito kasi ang hyung o eldest member ng grupo at pinakamalapit din sa youngest o maknae na si Jungkook. Dahil sa madalas na pagkukunwaring pagboboksing at harutan ng dalawa ay bet din ni Shaira makipagharutan kay Jungkook!

Para naman asarin ang kanyang ‘Ikaw si Ako, Ako si Ikaw‘ screen partner ay sinambit ni Kokoy De Santos na bet niya naman makipagpalitan kay Jungkook para ma-experience din niya paano maging isang Jeon Jungkook.

“Sa ibang member ka na lang, please!” natatawang pakiusap ni Shaira. Baka raw kasi imbes na si Jungkook ang ma-experience niya ay si Kokoy lang din pala! Ha-ha-ha!

Kung nagtataka kayo kung bakit natanong sina Shaira at Kokoy about body switching, ito kasi ang konsepto ng kanilang episode ngayong weekend para sa Regal Studio Presents na ‘Ikaw si Ako, Ako si Ikaw‘ na mapapanood na every Sunday ng 4:35PM after ng Dear Uge. Trailer pa lang, nakakatawa at nakakakilig na!

Ano kaya ang masasabi ni EA DE Guzman na may chemistry rin ang kanyang girlfriend sa kanyang ‘maknae’ sa Pepito Manaloto? Ooooohhhhh!