Celebs, hindi rin pinatawad ni Ondoy!

Maraming bahay ang nalubog sa baha kahapon, September 26, 2009. Hanggang ngayon, marami pa rin ang hindi nakauuwi sa kani-kanilang mga tahanan. Tulad na lang ni Cristine Reyes. Sampung oras daw s’yang nasa roof ng bahay niya sa Provident Village, Marikina. Lumubog ang buong village nila sa tubig. Pero dumating naman si Richard Gutierrez in a speedboat para i-rescue siya. While Cristine’s relatives were rescued by Ara Mina‘s brother using a jetski.

Celebs, hindi rin pinatawad ni Ondoy!

Napag-alaman din naming lumikas sina Jean at Jennica Garcia at pansamantalang nakitulog muna sa bahay ni Jennylyn Mercado. Ang Dahil May Isang Ikaw actor naman na si Jericho Rosales ay naging hero rin for the day – ginamit niya ang surfboards at wakeboards n’ya para i-rescue ang mga kapitbahay niya. Super to rescue naman si Angel Locsin sa pagiging on-the-scene kagabi sa pagvovolunteer at nagdonate naman daw siya today ng P500,000 para sa nasalanta.

Kung gusto niyo pong magdonate o magreport, maaari niyong i-contact sa mga sumusunod:

Red Cross donation through SMS: text RED AMOUNT to 2899 (Globe) or 4483 (Smart)
Phil. Nat’l Disaster Coordinating Council (NDCC) Emergency #s: 912-5668, 911-1406, 912-2665, 911-5061. Help hotlines: 734-2118, 734-2120.