Celebrities critical of Willie Revillame can be easily woo with money?!

ADVERTISING

 Celebrities critical of Willie Revillame can be easily woo with money?!

 Celebrities critical of Willie Revillame can be easily woo with money?!  OLA CHIKKA NOW na! Don’t make your Monday a blue Monday! At maloloka ka talaga sa Earth sa mga chikka ko ngayon. Heto na ang mga artistang ibinulgar ni Willie Revillame na mukhang pera raw. Isa-isahin natin, pagmasdan n’yong lahat kung sino ang mukhang pera… Jim Paredes, Aiza Seguerra, Agot Isidro, Tuesday Vargas, Bianca Gonzales, Lea Salonga at K Brosas, pati na rin si Mylene Dizon.

ADVERTISING

Ang mga nabanggit na artista ang pinaglalantaran nilang mukhang pera. Pero paano naman magiging mukhang pera ang mga ito, samantalang ang mga taong ito eh, walang laban at nananahimik lang.

Samantalang ang show nila, ang mga Pilipino, ang mga taong ito, ay pinagmumukha nilang pera. Mahirap na nga ang mga Pilipino, lalo pa nilang pinagmumukhang mahirap, ‘di ba?

‘Yun ang dapat nilang pagtuunan ng pansin, hindi ang kung anu-anong nakikita nila na wala namang kakuwenta-kuwenta.

ADVERTISING

Heto ang tanong: Bakit ang mga artista ay tinutuligsa niya na walang nagawa? Kumpara mo naman si Lea Salonga sa ‘yo… dahil naipakita niya sa buong mundo ang kanyang galing at nagdala siya ng karangalan sa bansa. Ikaw, may dangal ka ba?

Heto namang kay Aiza Seguerra na sinabihan mong magpakalalaki na… eh, ikaw, sinabihan ka ba niya na tama na ang pambababae mo? Tama na ang pamemersonal mo.

For all you know, lahat ng mga tumuligsa sa ‘yo, at tinuligsa mong mga artista, for your info and guidance, take note… naghatid ng karangalan sa ating bansa, like Lea Salonga and Lea Navarro, at halos lahat ng tumuligsa sa ‘yo, walang bahid-dungis, ‘di katulad mo.

Bakit sa tuwing nagkakamali ka, lagi na lang ABS-CBN ang nakikita mong gumagawa para mawala ka? Tingnan mo muna ang sarili mo kung may mali kang nagawa, dahil hindi bobo ang mga televiewers at advertisers para mag-pull-out sa mga ginagawa mo. Pati ba naman ‘yun, may kinalaman ang ABS-CBN.

Kaya naman… pahiram, Tita Cory (sumalangit nawa)… TAMA NA! SOBRA NA! TUMIGIL KA SA MGA PALIWANAG MONG WALANG KABULUHAN, DAHIL NASA ‘YO ANG KAHUNGHANGAN, ALAM MO BA ‘YUN?!

Maloloka talaga ako sa Earth… kaya tama na!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sinetch itech? Isang TV host-actress ang walang tigil ang bibig na talaga namang hindi rin mapigilan at talagang maloloka ka sa mga binibitawang salita na walang kuwenta ang isang network. Kaya kung ako sa kanya, magpasalamat na lang ako dahil ang tagal niyang nawala at pinabalik pa rin siya sa istasyon na ‘to.

Nakakaloka naman ‘tong TV host-actress na ‘to! Baka naman naglilihi lang… hahaha! Ano kaya sa palagay n’yo?!

Kaya naman para sa more chikka… more fun, makinig kayo palagi sa programa ko kasama ko si lady Camille ang aking anak sa DWSS1494khz 11:30 hanggang 12:00 nn  at every Sunday sa DZRH666khz 2:30 to 3:30 pm… ayan ha syempre hindi mawawala ang PINOY PARAZZI LIVE tuwing Biyernes sa internet.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING