Caught on cam! Angel Locsin and Phil Younghusband in a tight hug!

ADVERTISING

Caught on cam! Angel Locsin and Phil Younghusband in a tight hug!

ADVERTISING

PANALUNG-PANALO ANG FEELING ni Papa Phil Younghusband matapos ang laban ng Philippine Azkals vs Sri Lanka noong July 3 sa Rizal Stadium. Hindi lang siya naka-iskor sa kalaban kundi naka-iskor din siya sa puso ni Angel Locsin. Kitang-kita ng lahat na nagpa-impress ang football player sa seksing aktres na nanood ng laban sa mismong venue katabi ang kaibigang si Bubbles Paraiso. Siyempre, impressed din si Angel sa performance ni irog na naka-goal ng dalawang beses, huh! Napapatayo, napapasigaw, at todo-palakpak ang aktres kapag ang Azkals na ang sumisipa ng bola at sobrang saya nu’ng si Papa Phil na ang naka-puntos. Huli naman sa akto ng aming kamerang-gala ang pagkatamis-tamis na eksena ng dalawa matapos ang laban. Teka, teka… sila na ba? Paki-ispluk na nga!

By MK Caguingin

Hulicam
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING