Casie Banks bagong beauty queen turned actress na mamahalin

USO SA PILIPINAS na nagiging artista ang mga beauty queens pagkatapos nilang gampanan ang kanilang duties and obligations bilang mga reyna. Sa katunayan, ang ilan sa kanila ay nagiging markado bilang character actress sa pelikula’t telebisyon. Ilan sa mga classic examples ay sina Gloria Diaz, Maria Isabel Lopez, Charlene Gonzales, Precious Lara Quigaman and many more to mention.

Casie Banks bagong beauty queen turned actress na mamahalin
Casie Banks

Sa new generation of beauty queens turned actresses ay kasama d’yan sina Cindy Miranda, Ariella Arida, Kylie Verzosa at Maxine Medina, na bida ngayon sa Regal Studio Presents: Karinderya Queens. Sino ang kanyang katapat? Walang iba kundi ang Miss World 2019 Second Princess na si Casie Banks.

Sa ngayon ay marami ang hindi pa nakakakilala sa stunning beauty na ito, but soon enough ay sisikat na rin ito lalo pa’t ang first TV project niya ay isang nakakalokang showdown with Miss Universe 2016 and First Yaya villainess na si Maxine Medina.

Casie Banks bagong beauty queen turned actress na mamahalin
Maxine Medina and Casie Banks in Regal Studio Presents: Karinderya Queens

Gaganap si Casie bilang Sushi (short for Sushmita), isang karinderya owner na beauty queen din na ayaw magpakabog kay Dayanara o Yara (played by Maxine Medina). Lalong lalala ang kanilang warlahan sa pagdating ng hunky tricycle driver na si Dante (played by Derrick Monasterio). Pageant at Pagkain? Bet na bet namin ‘yan!

Sa live awrahan sa Regal Entertainment page noong Huwebes ay nagpasalamat si Casie Banks na si Maxine Medina ang nakasama niya sa first ever TV project niya. Nagbigay ito ng mga tips at inalalayan siya sa kanyang mga eksena. Kung bibigyan din daw ng pagkakataon, bet niya na makapareha ulit si Derrick Monasterio as a leading man in a romcom project dahil kampante na raw siya rito.

Trailer pa lang ay talagang hindi nagpatalo ang baguhang aktres! Pak na pak at game na game! With comedy as her first TV project, mukhang sa ‘wholesome’ genre ang magiging career path ni Casie katulad ng kanyang co-star sa Karinderya Queens na si Maxine. Interesting enough, nakapagtapos ng AB Political Science sa UST ang dalaga at ngayo’y kumukuha ng Law sa DLSU. Bongga ‘yan, ‘diba? No need na to be ‘daring’ like other beauty queens!

Maliban sa Regal Studio Presents: Karinderya Queens ay mapapanood din si Casie Banks soon sa pelikulang ‘Seasons’ na pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Lovi Poe.

 

Previous articleDerrick Monasterio, bibida sa dalawang programa ng GMA ngayong Linggo!
Next articleAnak na si Joko Diaz na si Ashley nag-aartista na at balak pang sumali ng beauty pageant