Carmina Villaroel, iniwan at nilayasan na ni Zoren Legaspi

ADVERTISING

Carmina Villaroel, iniwan at nilayasan na ni Zoren Legaspi

Carmina-Villaroel-Zoren-LegaspiIKINAGULAT NG press ang pagkakasama ni Zoren Legaspi sa remake ng Marimar na pinagbibidahan ni Megan Young sa GMA 7.

Sa grand launching ng telenovela, rumampa si Zoren kasama ang cast at kahit matagal ding nawala sa bakuran ng Kapuso, parang walang ipinagbago ang actor pagdating sa hitsura. Nandoon pa rin ang kamachuhan at cute na mukha na parang hindi tumatanda. Laging nakatawa at friendly pa rin tulad ng dating nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

Anyway, may nagtanong kung iniwanan na ba niya si Carmina (Villaroel)? Kaagad na sagot niya, “Yes, nilayasan at iniwanan ko na si Carmina.”

Pero kaagad na nagpaliwanag si Zoren sa naging sagot para maging mas malinaw. “Hindi kami naghiwalay ni Carmina. Sa network lang kami naghiwalay. Iniwan ko siya sa kabilang network. Mas maganda ‘yung kahit saang network, puwede kang lumabas. Freelancer ako kaya walang problema sa akin kahit saang network ako lumabas. Hindi ako pabor sa network war. Mas maganda, sa iba’t ibang network ka puwedeng lumabas, ‘di ba?

ADVERTISING

Mahuhulog ang loob ni Zoren kay Alice Dixson at magbubunga ang kanilang pagmamahalan na ang magiging bunga nga ay si Marimar. Pero magiging masalimuot ang kanilang pagmamahalan dahil sa maitim na balak ni Ina Raymundo na may masidhing pagmamahal kay Zoren.

Kasama rin sa Marimar sina Jaclyn Jose, Lauren Young, Cris Villanueva, Jaya, Candy Pangilinan, Nova Villa, Tommy Abuel, Carmi Martin, ang cute na tsikiting na si Ashley Cabrera na batang Marimar, asong si Fulgoso na boses ni Boobay ang gagamitin, at iba pa, sa direction ni Dominic Zapata.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING