Carmi Martin, umaming nagkadyowa ng bading

Carmi Martin

HINDI nahiyang aminin ng sexy comedy actress na si Carmi Martin na nagkaroon na siya noon ng karelasyong bading.

“Ay naku, maganda yung kuwento ko diyan. Nagka-boyfriend ako at ngayon friends kami, at may boyfriend na siya,” pagtatapat ng isa sa cast ng pelikulang The Panti Sisters na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino come September.

Ang Panti Sisters ay pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables mula sa direksyon ni Jun Lana.

Patuloy niya, “Minsan nga, nag-a-out of town pa kaming magkasama. Ang parang naging joke nga, naging bading siya dahil hindi na raw kami.

“Pero siyempre nung kami pa, hindi ko naaamoy na ganun nga siya. Mga 8 months din naging kami. At ang kagandahan, talagang girl na girl na siya, ako nga walang boyfriend pero siya meron. Ngayon ang tawagan na namin, siya si tatay ako si nanay at yung boyfriend niya, anak.”

Eh, paano ba niya nalaman na bading pala ang nakarelasyon niya?

“Nung naghiwalay na kami, few years after, lumabas na siya, nag-out na siya,” sagot niya.

 Bukod sa naunang ikinuwento ni Carmi, meron pa raw siyang isang manliligaw na bading din.

“Actually, nagkaroon pa ako ng isang manliligaw, taga-Sta. Ana pa ako noon,  and then, nabasted. Mamaya nung may Santacruzan, nakita ko naka-ano na. Di ba, may Santacruzan ang mga gays, sabi ko, ‘Parang si ano yon.’ Ayun, nakapang-muher (damit babae) na siya.

“Kaya nagkaroon talaga ako ng experiences sa kanila. O, di ba, plural yan, na talagang may nanligaw sa akin at yung isa naging boyfriend ko pa,” natatawa niyang kuwento.

 
 
 

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleAiko Melendez, pahihirapan ang 3 young stars ng ‘Prima Donnas’
Next articleOld-school comedy ibinalik nina Andrew E, Janno at Dennis sa ‘Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo’

No posts to display