Carmi Martin, planong maging single na lang for life

Carmi Martin, planong maging single na lang for life

Carmi Martin
Carmi Martin

Inamin din ni Carmi Martin na four years na siyang walang karelasyon. Hindi rin daw niya nakikita ang sarili na magpapakasal o mag-aasawa.

“Meron namang nanliligaw at saka maganda naman ang plano. Pero parang wala namang ano sa akin. I’m so happy with my relationship with God, so why?” katwiran niya.

Gusto ba niyang maging single na lang for life at hindi na mag-asawa?

“Well, ‘yon ‘yung plan ko,” diretso niyang sagot.

“Pero I don’t know, ‘di ba? Before kasi, ang mentality ko was man will make me happy, being married will make me happy.

“Pero sa nakikita ko sa karamihan, sa mga naririnig kong istorya at sa mga na-witness ko in my own relationship, it seems that very few percentage in the population of the whole earth ang nagwo-work,” rason niya.

La Boka
by Leo Bukas