Carmen Soo, bagong syota ni Gab Valenciano? (Rachelle Ann Go, sobrang na-hurt!) – Ambet Nabus

ADVERTISING

Carmen Soo, bagong syota ni Gab Valenciano? (Rachelle Ann Go, sobrang na-hurt!) - Ambet Nabus

Carmen Soo, bagong syota ni Gab Valenciano? (Rachelle Ann Go, sobrang na-hurt!) - Ambet NabusNGAYON ANG UNANG araw ng shooting ni Kris Aquino for Mano Po 6 kung saan nabalitang pumayag itong lumabas for free bilang best friend ni Sharon Cuneta sa movie.

ADVERTISING

Hindi naman ito itinanggi ni Megastar nang makausap namin last time at kinumpirma nitong tuwang-tuwa siya sa gesture ni Kris.

Kaya naman mabilis din namin itinanong kung may kulay pulitika ba ito, them being the wife and sister respectively of famous senators Kiko and Noynoy?

“Tiyak na iisipin iyan ng iba pero para ano pa to explain? Kris and I are enjoying each other’s friendship and we are friends, period,” tsika ni Mega.

ADVERTISING

Sinagot din ni Sharon ang isyung mas natuwa siya sa pagback-out ng asawa sa 2010 elections dahil mas nakakapagod daw ‘yun. At sinabi rin niyang mananatili ang suporta nila kina Noynoy at Kris, ‘yun nga lang ay limitado ito kumpara sa kung ang asawa niya ang tumatakbo. Klaro!

NAAWA NAMAN KAMI kay Rachelle Ann Go ng mapanood namin ang panayam nito sa SNN tungkol sa dating karelasyong si Gab Valenciano na diumano ay pumoporma ngayon (o jowa na?) sa Malaysian actress na si Carmen Soo.

Kulang na talagang paiyakin ang dalaga at pilitin itong magsalita nang hindi maganda, isang bagay na ikinairita talaga namin.

Agad naming inalam sa ilang kaibigan ang isyu at kumpirmado ngang nagkakasama sina Gab at Carmen, lalo na pagkatapos ng show na ASAP. Although walang nagsasabing sila na ngayon, sa naging reaksyon ni Rachel Ann, ay masasabing nasasaktan ito.

Ang natatandaan lang naming nasabi ni Gab sa isyu, para sa kanya, ang kanyang mga ex-GFs ay mga ex-GFs na pero nanatiling friends niya. Ganu’n kaguwapo ang anak ni Mr. Pure Energy, huh!

AND SO, SI Nadine Samonte na ang papalit kay Sunshine Dizon sa isang soap sa GMA-7.

Matapos ngang mabalita na madalas na namang inaatake ng dating sakit (severe migraine?) itong si Sunshine kaya’t naapektuhan ang taping, minabuti ng management na palitan ang aktres.

Walang nagsasalita sa panig ni Sunshine kaya’t itinuturing na given na ang rason tungkol sa sakit.

Just wondering kung paanong maiaakma sa parehong role ang karakter ni Nadine? Biru-buruan nga raw sa taping, suwerte naman itong si Marvin Agustin as his character gets to bed Ara Mina, si Sunshine nga, at itong si Nadine.

May mga ilan nga lang daw na tumaas ang kilay. Kasama ka kaya du’n kapatid na Alex B?

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

ADVERTISING