Carlos Morales, pasok agad sa film fest ang first directorial movie

ADVERTISING

Carlos Morales, pasok agad sa film fest ang first directorial movie

Carlos-MoralesNICE TO learn na sa first directorial job ni Carlos Morales na Piring, de kalibreng mga artista kaagad ang nai-direk niya.

ADVERTISING

Sina Bembol Roco at si Ms. Tessie Tomas na mga beterano ay hindi naman agad-agad ipagkakatiwala ang kanilang pangalan para magpa-direk sa isang baguhan tulad ni Carlos.

Kaya nga bilib kami kay Carlos na sa una niyang obra, nakasama na kaagad ito sa World Premieres Film Festival ng FDCP na out of more than 40 entries, walong pelikula lang ang kasali at napili at isa nga ang pelikula niyang “Piring” na nagbigay naman ng magandang break kay Yussef Esteves na may isang kakaibang eksena with Bembol who plays a closet gay character, kung saan may frontal nude scene si Yussef.

Inspired si Carlos after his directorial debut na Piring. “After my first experience. I want to pursue it kaya inspired ako sa galing nina Chito Roño, Lino Brocka, Maryo J, Wenn Deremas, and Eddie Garcia .”

ADVERTISING

Tonight ang premiere ng pelikulang Piring sa SM North EDSA at 7 pm at magkakaroon ng regular screening for 3 days from June 30 to July 7.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING