Carlo San Juan at Casie Banks magpapakilig sa ‘Regal Studio Presents: I Love You More and More’

BALIK sa kanilang original Sunday afternoon timeslot ang Regal Studio Presents simula ngayong May 29. Sa nakaraang dalawang Sundays kasi ay inilipat muna ang mga programang The Best Ka, Raya Sirena at Regal Studio Presents sa pang-umaga.

Carlo San Juan at Casie Banks magpapakilig sa 'Regal Studio Presents: I Love You More and More'
Carlo San Juan and Casie Banks

Bilang paunang handog nila sa kanilang pagbabalik sa afternoon slot ay isang romance drama ang kanilang handog. Ito ay pinamagatang ‘I Love You More and More‘ na pinagbibidahan nina Carlo San Juan at Casie Banks.

Ito ay kuwento nina Oliver at Celeste, dalawang magkasintahan na magkaiba ang antas sa buhay.

Lumipat sa Maynila si Celeste para tuparin ang kanyang pangarap na maging isang fashion designer habang ang nobyo na si Oliver ay naiwan sa probinsya para alagaan ang kanyang pamilya at masayang namumuhay ng simple. Kalaunan ay susunod si Oliver kay Celeste sa Maynila, pero doon mararamdaman ng binata ang kanilang pagkakaiba. Ito ba ay mas lalong makakapagpatatag sa kanila bilang magkarelasyon, o ito ba ang sisira sa kanilang samahan?

Kung noong nakaraang Sunday morning ay natawa at kinilig kayo sa young love nina Shayne Sava at Abdul Raman na ‘Dear Prince Charming‘, isang matured romance drama naman ang ‘I Love You More and More’ nina Carlo San Juan at Casie Banks.

Sa mga regular viewers ng Regal Studio Presents, siguradong maaalala ninyo si Carlo San Juan bilang isa sa leading men ni Bianca Umali sa ‘The Signs’ sa season 1, habang si Casie Banks naman ay nagpatawa at nakipagshowdown kay Maxine Medina sa ‘Karinderya Queens’. This time ay bagong tambalan naman ang handog ng RSP.

Panoorin ang Regal Studio Presents: I Love You More and More this Sunday at 4:35pm sa GMA pagkatapos ng The Best Ka!

Previous articleTambalang Xian Lim at Glaiza de Castro sa ‘False Positive’, nakakabitin!
Next articleKris Bernal kinainisan bilang kontrabida sa ‘Artikulo 247’