Carlo Maceda, malayung-malayo na sa dating sexy image

ADVERTISING

Carlo Maceda, malayung-malayo na sa dating sexy imageCarlo Maceda, malayung-malayo na sa dating sexy imageMORE CHIKKA na naman tayo ngayon, dahil at last heto na naman po ang chismosang kapit-bahay n’yo para sa mga mas nakaka-excite na chikka.

Nagulantang ang beauty ko nang makita ko itong si Carlo Maceda at talagang hindi ko lubos-maisip na siya na nga ‘yun. Dahil kung tatanungin n’yo ako, ibang-iba siya noon at ngayon. Ibang-iba ang pag-iisip dahil nagpaka-businessman pala siya. Hindi kagaya dati na makikita lang sa movie na nagpapa-sexy.

ADVERTISING

At take note, iba na rin ang kanyang figure. Lumaki ito at ang haba na ng buhok. Hindi mo makilala kung hindi mo pa siya titigan. Pero siyempre, sabi ko nga, wala talaga sa looks ‘yan, nasa dating ‘yan. Na kahit wala na siya sa showbiz eh, may narating siya.

Kasama ko kasi ang friend ko nu’n na nagpo-produce din ng movie, nagulat ako nu’ng nagkakuwentuhan kami na nagdi-direk pala siya ng movie at nagpo-produce din. At siyempre, masaya raw siya ngayon sa buhay niya. Kasi puro negosyo lang ang inaatupag niya. Talagang masasabi mo, para sa kanya mas ok na siya ngayon. Hindi kagaya nu’ng nasa showbiz pa siya ay kahit papa’no, hindi mo maiiwasan ang intriga.

At syempre, family-oriented din itong si Carlo, dahil totoo palang mapagmahal sa napakasimple niyang asawa at ama sa anak niya.

ADVERTISING

Lay D’ Cam
By Camille Espeña

 

ADVERTISING