Carlo J. Caparas at Viva, pasisiglahin ang TV5

ADVERTISING

Carlo J. Caparas at Viva, pasisiglahin ang TV5

Carlo-CaparasMAKE WAY for the radical change in TV5 this 2016!

This early ay maugong na ang balitang nagkainteres ang Viva Entertainment in putting its stakes on the Kapatid Network as its partner in the delivery of new quality programs sa larangan ng aliw, pamamahayag, at palakasan.

Further strengthening its edge in the realm of sports, ang pagpasok ng Viva sa business empire na ito ni Ginoong Manny V. Pangilinan is touted to revitalize the network sa pamamagitan ng TV versions ng mga makasaysayang obra ng nobelista at direktor na si Carlo J. Caparas tulad ng Panday at Tasya Pantasya.

Setting the ground in discovering fresh faces, also on the list ay ang Born To Be A Star, isang talent search. With Viva as already an established name in the industry, ang mga artista nito ang babandera sa produksiyon sa TV5 with a snowball’s chance for the station’s homegrown artists to keep their careers going.

ADVERTISING

Ang sinasabing “dearth” o kakulangan ng mga artista sa TV5 ang tututukang prayoridad ni Boss Vic del Rosario.

Baker King star himself na si Mark Neumann will have his hands full dahil sa 2016 ay magiging abala siya in both TV and in at least five Viva-produced movies. How’s that for an “arena” of career opportunities na nagsimula lang sa “arina” na ginawang tinapay?

Ang tanong: with the conquest of Viva, who among the prized talents mula sa ABS-CBN at GMA ang bubulaga sa TV5? Kung sakali mang magkaroon ng legal hitches, mahihindian ba ng dalawang istasyon ang Viva, lalo’t ang ng-iisa naman nilang layunin ay lalo pang palakasin ang entertainment TV sa bansa yet spawn a healthy competition?

 

MAKATATANGGAP NG good news si Jingo mula sa isang kumpare niya. Magbabayad na ito ng utang at may bonus pa na free all-expense-paid Christmas vacation trip to Hong Kong.

Sinabi ni Jingo kina Majay at PJ na isikreto nila ito. Pero nakukunsyensiya si Majay na hindi ito ipaalam sa lahat, lalo na kay Mama A. Problem is, laging missing in action si Mama A. at sumasama sa amiga nitong si Jossa papunta sa isang lugar, kung saan gusto nitong maranasan ni Mama A. ang “heaven”. Isang co-patient ni Mama A. kay Dr. Eman Lalait si Jossa na sinukuan ng siyensa ang pangarap nitong gumanda.

Ang suspetsorang si Lora ang nagtsismis kina Bobong at Lance na isinasama raw ni Jossa si Mama A. sa lugar ng kapahamakan. Nang tanungin ni Majay ang ina kung saan ito, ayaw namang magtapat ni Mama A., sa Araw ng Kapaskuhan na lang daw. Nag-decide tuloy sina Majay at Jingo na huwag na ring i-share kay Mama A. ang Hong Kong trip sa Pasko.

Meanwhile, tuloy ang biruan, selosan, at inisan nina Yumi at Ethan over Bob, ang British boy na ka-phone chat ni Yumi overseas. Pati ang Christmas event sa school, kung saan sila ang naging mag-monito-monita ay pareho nilang binalewala.

Abangan ang lahat ng ‘yan sa Ismol Family ngayong Linggo.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING