Carlo Aquino kinumpirma ang hiwalayan nila ni Trina Candaza

INAMIN ng Kapamilya actor na si Carlo Aquino na hiwalay na sila ng kanyang live-in partner na si Trina Candaza.

Ito mismo ang kinumpirma ng aktor sa pamamagitan ng panayam sa kanya ng ABS-CBN News na simpleng “no na” ang kanyang sinabi. Early this year lang diumano sila nagkahiwalay ng landas.

Carlo Aquino kinumpirma ang hiwalayan nila ni Trina Candaza
Carlo Aquino with Baby Mithi and ex-partner Trina Candaza

Kahit hindi na nag-elaborate pa si Carlo sa rason ng kanilang paghihiwalay, maayos naman daw ang co-parenting setup nila with their daughter na si Mithi.

“Nag-uusap kami and every once in a while nahihiram ko si Mithi (their daughter) pero siyempre dahil nga pandemic pa din yung safety muna niya. Kapag may trabaho ako, katulad nito – lumalabas ako – mag aantay ako ng ilang days,” pagbabahagi niya.

Matatandaan na nag-umpisang umikot ang balitang naghiwalay diumano ang dalawa noong January 2022 na natugunan ng mga netizens dahil sa mga cryptic posts nila. Lalong lumala ang suspetsa nila nang mapansin na in-unfollow na nila ang isa’t isa sa Instagram.

Maliban dito ay naging vocal si Trina sa kanyang vlogging channel na siya ay nag-move out na sa kanilang bahay kasama ang kanilang one-year old baby girl. Eventually ay ibinahagi rin ni Trina kung ano ang setup nila ngayon ni Carlo.

Bida ngayon si Carlo Aquino sa digital series na ‘How to Move on in 30 Days’ Kung saan kapares niya si Maris Racal. Nagkatambal din sila ni Lovi Poe sa ‘Seasons’ na pinag-iisipan pa ng Regal kung ilalabas bilang pelikula o limited series.

 

Previous articleEnzo Pineda inaral ang kilos at salita ng mga doctor para sa ‘Dok’ movie
Next articleVLOG WATCH: Ang ‘happier’ 19th birthday celebration ni Andrea Brillantes!