Carla Abellena, ipinagpapasa-Diyos ang panliligaw ni Tom Rodriguez

ADVERTISING

Carla Abellena, ipinagpapasa-Diyos ang panliligaw ni Tom Rodriguez

Carla-AbellanaNGAYONG AMININ na ni Tom Rodriquez na nanliligaw siya kay Carla Abelllana ay isinara naman ni Carla ang kanyang bibig pagdating sa usapang sa ex-boyfriend na si Geoff Eigenmann.

ADVERTISING

Katuwiran ni Carla, nasagot na raw niya ang lahat ng dapat sabihin about their broken relationship. Nangangamba rin si Carla na baka sabihin na naman daw na ginagamit niya ang ex-boyfriend para mapag-usapan ang namumuong magandang samahan nila ni Tom.

Mas comfortable pa raw si Carla na pag-usapan si Tom dahil bukod sa panliligaw sa kanya ay magkasama pa sila sa teleseryeng My Destiny. May paalala lang si Carla na hindi sa kanya unang nanggaling ang balitang nililigawan na siya ni Tom, kundi galing ito mismo sa actor.

When ask kung ano na talaga ang chance ni Tom sa ginagawa nitong panliligaw sa kanya? Ayon kay Carla ay friends pa rin raw ang status nila ni Tom. Ipinagdarasal daw ng actress ang magiging kinabukasan ng kanyang lovelife. Kung si Tom na raw ba talaga ang susunod niyang magiging kasintahan, Diyos na lang daw ang magtatakda.

ADVERTISING

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING