Carla Abellana at Xian Lim, parehong pasaway ang image

Carla Abellana at Xian Lim, parehong pasaway ang image

Carla-AbellanaPAREHONG MABABAIT na mga artista sina Carla Abellana at Xian Lim na halos magkasabay rin namang pumasok sa showbiz. Kaya lang, pareho rin silang kulang sa pag-iingat kaya ang kanilang mga pangalan ay nasasangkot lagi sa mga negatibong isyu na naglalagay sa alanganing sitwasyon sa kanilang mga pangalan. Madalas, kung papansinin ay puro mga sablay nila sa showbiz ang palaging nababalita tungkol sa kanilang dalawa.

Pareho rin sina Carla at Xian na marunong mag-sorry kapag mayroong naging pagkakamali. Kasi nga, bilang maituturing na mga baguhan pa rin sa showbiz na hindi pa talaga alam ang lalim ng sistema, hindi sila nagpapakaperpekto bilang mga artista. Pareho silang dalawa ngayon na nagkakaroon ng image na pasaway. Mayroong mga hindi naaaliw sa kanilang dalawa, pero marami pa rin ang nagkakagusto sa kanila na mga higit na kilala sila sa likod ng kamera.

Umaani ngayon ng pagbatikos mula sa publiko si Xian dahil sa naging isyu ng diumano’y kagaspangan ng kanyang ugali sa pagpunta sa isang event sa Albay, kaya hindi natutuwa sa kanya ngayon si Governor Joey Salceda at imbiyerna sa kanya ang mga Bicolano. Si Carla naman, dahil wala pa yata siyang time na makipagpalagayang-loob sa press, kaya naman imbiyerna rin sa kanya ang maraming kasamahan sa panulat, dahil napagkakamalan siyang isnaberang may magandang mukha.

ChorBA!
by Melchor Bautista