Carla Abellana at Tom Rodriguez, muling magsasama sa serye

ADVERTISING

Carla Abellana at Tom Rodriguez, muling magsasama sa serye

Carla-Abellana- Tom-RodriguezBUKOD SA naunang pagsasama nila sa seryeng My Husband’s Lover at sa pelikulang So It’s You na kapapalabas pa lang, si Tom Rodriguez din ang makakapareha ni Carla Abellana sa bagong soap ng GMA 7 na My Destiny.

“Natutuwa kami. Sobra!” masiglang nasabi ni Carla. “Kasi… tuluy-tuloy ‘yong work namin together. Ibig sabihin kahit papa’no nagagawa namin nang maayos. Marami kaming napapasaya. Kaya nabibigyan kami ng chane na mag-work pa rin nang magkasama.

“So, panibagong challenge ito sa amin. ‘Di ba dapat iba na naman ang mapapanood nila sa amin o makikita nila sa amin?Pero excited pa rin. With every project na ibinibigay sa ‘yo, dapat excited ka sobra.”

May bagong sitcom din siya sa GMA. Ito ay ang Small Family kung saan sila naman ni Ryan Agoncillo ang magkapareha. Hindi raw inaasahan ni Carla na bukod sa soap ay meron pa pala siyang sitcom.

ADVERTISING

“Basta nabalitaan ko na lang from my manager na meron akong sitcom. “No’ng una, hindi talaga ako makapaniwala na… sitcom? Parang… bago ito, a! Never ko pang nagagawa before. So, nakakatuwa kasi alam ko in a way na basta sitcom, magaling ang GMA, e.Basta sitcom, naghi-hit talaga ang GMA. Nagri-rate talaga.

“So na-excite ako kasi, gusto kong mag-comedy. Kahit papano, may experience sa comedy. Matutuloy ko lang ‘yon, basically. Mahahasa ako sa comedy.

“Nakakatuwa na hindi ako puro drama. So, in a way parang wish granted for me kasi gusto kong mag-comedy. And excited ako sa role ko sa Small Family as Majay. Isa akong OFW na nagtatrabaho sa Dubai. Welder ako sa Dubai. Tapos ‘yong pamilya ko nandito. Husband ko si Ryan Agoncillo. Siya ‘yong house husband.Na imbes na ‘yong nanay o ‘yong wife ang nasa bahay… ‘yong tatay or ‘yong husband ang nasa bahay at nag-aalaga ng bata.Samantalang ‘yong asawa niya ay nagtatrabaho abroad. So, very realistic siya dahil maraming ganyang mga Pinoy. Light lang. Comedy lang. Cute siya. Makikita nila ‘yong lighter side. ‘Yong funny side. Mas relaxed. Mas natural. Mas komportable. Mas nakakatawa. At mas magaan.

“End of June magsisimula ang airing pareho ng Small Family at ng My Destiny. ‘Yong Small Family is every Saturday ng gabi. ‘Yong My Destiny naman ay gabi-gabi sa primetime. Nag-start na ang taping ng Small Family no’ng Tuesday (May 27).  Ang My Destiny naman, next week pa lang.”

Kumusta na ang puso niya sa ngayon matapos ang break-up nila ni Geoff Eigenman. Sunud-sunod ang pagsasama nila ni Tom sa trabaho. Isa ba ang aktor sa tumutulong na maka-recover siya mula sa break-up nila ni Geoff Eigenman?

“Tumutulong siya sa maraming paraan. Pero hindi naman para kalimutan kung ano ‘yong mga pinagdaanan ko. Nandiyan lang siya para ano… para ipaalam na nandiyan siya. Nandiyan lang siya para patawanin ako, maging magaan ‘yong trabaho. ‘Yong ganyan.”

Puwede siguro silang magka-developan  ni Tom?

“Ay, hindi ko alam. A, hindi dapat ‘yon ang focus namin. Ang dapat na focus namin is work. Kasi iyon ang unang dumarating. Iyon ang ibinibigay sa amin. Blessing ‘yon. Opportunity ‘yon. At saka nandito kami unang-una dahil artista kami. May trabaho kami. So, dapat ‘yon ang priority. ‘Di ba?

“Kung anuman ang mangyari, kumbaga… hindi naman sa hindi pansinin. Pero isantabi muna. Hindi dapat iyon ang focus mo. Hayaan lang naman din. Okey lang naman na hayaan kung may something man, ‘di ba? Hayaan lang din.Pero ang dapat, focus is on work talaga.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING