Carla Abellana-Tom Rodriguez movie, flop

ADVERTISING

Carla Abellana-Tom Rodriguez movie, flop

Carla-Abellana-Tom-RodriguezMARAMI NGA ang nalulungkot, dahil hindi masyadong pumatok sa takilya ang pelikulang pinagtambalan nina Carla Abellana at Tom Rodriguez, samantalang nai-promote naman talaga iyon nang maayos. Sobrang kontrobersiyal din ang magandang young actress bago ipalabas ang nasabing movie, dahil iyon ang naging hudyat ng kanilang pag-amin ni Geoff Eigenmann, na matagal na ngang may problema ang kanilang relasyon at hiwalay na nga sila.

Nakakapanghinayang din, dahil kung naging blockbuster sana ang movie nina Carla at Tom ay makababawas iyon sa kalungkutan ni Carla mula sa kanyang pinagdaraanan ngayon. Nakapanghihinayang naman kasi na nagtagal na rin ang relasyon nila ni Geoff, pero kahit nangako silang pareho na aayusin nila ang puwedeng ayusin ay sa hiwalayan pa rin nauwi ang kanilang mga pagsisikap.

Puwedeng isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi masyadong kinagat ng publiko ang tambalan nina Carla at Tom, ay dahil nabantilawan silang dalawa. Click na click silang dalawa nu’ng napapanood pa sila sa My Husband’s Lover ng GMA-7, pero pareho na silang ilang buwan na walang proyektong ginagawa bago ipinalabas ang pelikula nila sa Regal Films, kaya ‘yung dating init ng kasabikan sa kanilang tambalan ay lumamig na pala.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING