Carla Abellana, sobrang relax kay Tom Rodriguez

ADVERTISING

Carla Abellana, sobrang relax kay Tom Rodriguez

Carla-Abellana-Tom-RodriguezNAGSALITA NA si Carla Abellana tungkol sa posibilidad na maging sila ni Tom Rodriguez, ang leading man niya sa My Destiny ng GMA-7. Hindi raw niya alam kung sino ang magiging kapalaran niya in the near future. Kung sakaling ma-develop nga sa isa’t isa sina Carla at Tom, wala silang masasagasaan dahil pareho silang single. Lalo pa ngayong super close ang dalawa habang nagte-taping ng kanilang drama series.

For now, ayaw muna ni Carla na pagtuunan ng pansin ang pagiging malapit nila ni Tom. Pareho silang kahihiwalay lang sa kani-kanilang karelasyon. Nasa trabaho ang focus nila kaya’t as of now, matatagalan pa bago muling makipagrelasyon.

Alam ni Carla, gusto ng mga fans nila ni Tom na sila ang magkatuluyan tulad nang mangyayari sa kanilang TV show. Ayaw muna ng dalagang madaliin ang mga bagay-bagay, kung talagang sila ang itinakda ng tadhana, mangyayari ‘yun. Ini-enjoy nilang pareho ang friendship na mayroon sila sa ngayon. Inamin ni Carla na sobra siyang relax kapag magkaeksena sila ni Tom na ikinatutuwa naman ng kanilang director na si Joyce Bernal.

Wala na ‘yung ilangan sa pagitan nina Carla at Tom kapag may eksena silang kailangan maghalikan. Parang wala lang, after the take nga, nagtatawanan lang sila, kuwento sa amin.

ADVERTISING

Sabi nga ni Direk Joyce, “Ang sarap nilang idirek. Wala akong problema sa dalawang ‘yan, bigay na bigay kapag eksena na nilang dalawa. Nagagawa nilang natural ang eksena, para silang wala sa harap ng kamera,” banggit ng magaling na director.

Lalong naging kapana-panabik ang bawat eksenang mangyayari kina Tom at Carla sa My Destiny. Gumagawa ng paraan si Grace de la Rosa (Carla) para makitang muli si Lucas Matthew Andrada (Tom) para magpaliwanag sa hindi agad niya pagdating sa kanilang usapan. Buong akala ni Lucas, hindi siya sinipot ng babaeng agad na nagpatibok ng kanyang puso. Sa pangyayaring ito, hindi na naniniwala ang binatang si Grace ang itinakda para sa kanya.

Nag-krus ang landas nina Lucas (Tom) at Joy (Rhian Ramos), Grace (Carla) at Jacob Perez (Sid Lucero), nagsasanga na ang takbo ng istorya. Magiging intriguing ang takbo ng love affair ng dalawa. ‘Yan ang ating abangan…

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING