Carla Abellana, segurista sa pag-ibig ni Tom Rodriguez

ADVERTISING

Carla Abellana, segurista sa pag-ibig ni Tom Rodriguez

Tom-Rodriguez-Carla-AbellanaKAHIT MAY mutual understanding daw sina Carla Abellana at Tom Rodriquez, hindi ibig sabihin mag-dyowa na sila. Oo nga’t  sila lang ang nakaaalam sa totoong namamagitan sa kanila. Pero marami ang nagpapatunay at nakasasaksi tuwing taping kung gaano sila ka-sweet sa likod ng camera sa set ng My Destiny ng GMA-7. Palaging magkausap, parang hindi nawawalan ng topic na pag-uusapan, obserbasyon ng production staff. Nagmamasid lang ang mga ito, kunwari, deadma sa kanilang nakikita.

It’s too early nga namang umamin agad- agad sina Tom at Carla sa tunay nilang relasyon. Oo nga’t very vocal si Tom na nililigawan nito sa Carla. At this point, nasa ligawan portion pa lang daw ang dalawa. Tipong hindi pa ganoon kaseryoso ang closeness ng mga ito.

Siguro, mas makabubuti nga kina Tom at Carla na sarilinin muna nila bago tuluyang aminin sa media na sila na nga. Hindi natin masabi, baka nadadala lang ang mga ito sa character na kanilang pino-portray bilang mag-dyowa sa serye. Kailangang maging totoo sila sa kanilang sarili na mahal na nga nila ang isa’t isa. Mahirap din naman ‘yung pabigla-bigla ng disisyon at baka mauwi agad sa hiwalayan. Knowing Carla, hindi agad ito papasok sa isang sitwasyong hindi siya siguro sa kanyang sarili lalong-lalo na pagdating sa love.

Nagsimula na nga raw mag-regalo si Tom kay Carla bilang pahiwatig ng kanyang panliligaw. Kung mayroon mang MU between Tom at Carla, hayaan natin silang i-enjoy ang kanilang relationship. Hindi pa tayo sigurado kung totoong ngang in love na nga sila sa isa’t isa o baka naman nadadala lang sila sa character na ginagampanan nila as mag-lover sa drama series na My Destiny ng GMA-7. Abangan na lang natin ang mga kaganapan sa kanilang love story gabi-gabi sa Kapuso Network after Nino.

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING