Carla Abellana, posibleng ma-in love kay Tom Rodriguez

ADVERTISING

Carla Abellana, posibleng ma-in love kay Tom Rodriguez

Carla-Abellana-Tom-RodriguezSA PAKIKIPAG-RELASYON ni Carla Abellana kay Geoff Eigenmann, makes her a better person. Hayaan na lang nating du’n natapos ang love story nilang dalawa. Huwag na raw natin balikan ang nakaraan dahil tapos na. Move-forward na tayo for a greater tomorrow. Wish nga ni Carla na sana ‘yung next na magiging boyfriend niya, ‘he’s the one’ na makasasama niya habang buhay.

ADVERTISING

Naniniwala si Carla na may nakatakda si Lord para sa ‘yo. Hindi niya masabi na baka ang maging destiny niya ay si Tom Rodriguez na leadingman niya sa drama series na My Destiny. Kahit friends ang turingan nina Carla at Tom, she’s open to the possibility na ma-in love siya rito. Time will tell, you never know…

Maging si Tom, hindi makapaniwalang mararating niya ang tagumapay na kinalalagyan nito sa ngayon. Sikat at hinahangaan ng publiko. Kung hindi raw siya nagbalik-‘Pinas at nakipagsapalaran sa PBB, hindi ito magiging artista.

“May plano sa atin ang Diyos. Hindi mo malalaman kung ano ‘yung nakalaan para sa ‘yo. Sometimes life will surprise you, nasa atin na ‘yun maging responsible sa ginagawa mo. Kailangang pahalagaan ang blessing na dumarating sa atin. Kahit na ang mga life experiences na pinagdaan mo ay napakahirap. Malalagpasan mo ‘yan at makatutulong  para maabot mo ang iyong mga pangarap, naniniwala ako d’yan,” pahayag ni Tom Rodriguez.

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING