Carla Abellana, pang-best actress ang acting sa serye!

ADVERTISING

Carla Abellana, pang-best actress ang acting sa serye!

Carla Abellana, pang-best actress ang acting sa serye!BUKANG-BIBIG NGAYON sa madlang pipol ang drama series na My Husband’s Lover nina Dennis Trillo, Tom Rodriguez at Carla ABellana ng GMA-7. Kahit saang umpukan, inuman at tsikahan, maiinit na pinag-uusapan ang love triangle nina Eric, Vincent at Lally. Maging sa Facebook at Twitter, nagiging center of attraction ang MHL with matching photos nina Dennis, Tom at Carla. Pati nga sa mga Internet shop, pinapanood sa YouTube ang nasabing drama series. Bawa’t episode nga kasi ay kapana-panabik, lalong umiinit ang bawat eksena. Maganda ang feedback, to the highest level ang rating nito. Ayon sa survey, ang MHL na ngayon ang number one soap sa bansa dahil sa kakaibang istorya nito, very intriguing.

Lalong nakae-excite panoorin ngayon, nabuking na ni Lally ang asawang si Vincent na lover pala nito si Eric nang personal niyang pinuntahan ang condo unit hawak ang susi nito. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan, shocking galore, at agad isinugod sa hospital ni Vincent ang asawa kasama si Eric.

Ngayon lang namin napanood sa isang drama series si Carla. Napakagaling pala niyang umarte lalo na sa confrontation scene nila ni Tom. Hindi OA, sakto lang. Suwabe ang pagbitiw ng dialogue, klaro ang lakas ng impact. Ramdam mo kay Carla ‘yung character na kanyang pino-portray. Punung-puno siya ng emosyon sa eksenang ‘yun. Hindi nagpipilit maging actress, actress nga siyang maituturing, ang husay niya. Pati pagbaksak ng luha, mararamdaman mo ‘yung pain na kanyang pinagdaraan. Napakasakit sa isang babae na mahuli mo ang asawa sa kandungan ng isang lalaki.

Maging si Tom, kinakarir ang pagiging actor. Gusto niyang patunayang marunong din siyang umarte. Hindi naman ito nabigo, magaling ang binata sa mga dramatic scene nila ni Carla same with Dennis. Hindi siya nasapawan ng dalawa, ‘yung intensity ng kanilang character nararamdaman ng viewing public.

ADVERTISING

Carla Abellana, pang-best actress ang acting sa serye!As an actor, subok na ang husay at galing ni Dennis Trillo. Kahit nga walang dialogue, body movement lang nito umaakting na. Hindi na bago para sa kanya, playing the role as beki for TV series. Gumanap na rin siyang bakla sa pelikula at umani ng papuri si Dennis sa iba’t ibang award-giving bodies at nanalo pa siyang Best Actor.

Nang dahil sa super success na tinatamasa ngayon ng serye, may mall show sina Dennis, Tom at Carla sa Metro Manila bilang pasasalamat sa mga fans na patuloy na sumusubaybay sa kanilang drama-series. Congrats!

 

SAMSUNG PHILIPPINES recently launched the online contest, Galaxy of Fun Jingle Compaign, a musical collaboration between Yeng Constantino, Jim Paredez and You. This promo invites Facebook users in the Phils., ages 13 years old and above, to like Samsung’s Facebook Fan Page and registered at their Facebook App. This will enable participants to answer the question that’s key to thrilling prizes. What Makes Life More Fun For You ? All valid answers may be used as inspiration by Yeng and Jim to create an original song about “What MakesLife More Fun in the Galaxy?”

Your voice will be included in an original OPM song – Samsung also gives participants a chance to win an array of exciting prizes. The first five winners will decided by Samsung representative, and another five via electronic draw on July 31, 4:00pm at the Samsung Office in Global Taguig.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING