Carla Abellana, nagpakita na naman ng ‘di kagandahang ugali sa press?!

ADVERTISING

Carla Abellana, nagpakita na naman ng ‘di kagandahang ugali sa press?!

Carla Abellana, nagpakita na naman ng ‘di kagandahang ugali sa press?!MABAIT NAMANG TAO si Carla Abellana, at hindi pa talaga siya ‘yung tipong showbiz na showbiz, kaya tanggap din naman niya ngayon ang kanyang pagkukulang kung magandang PR ang pag-uusapan. Nagsisimula na nga siyang matuto sa kanyang mga nararanasang intriga habang nagpapatuloy ang kanyang pagsikat.

Kaya kung nasilat man siya ka-tulad sa naging alitan nila ng bete-ranong kolumnistang si Mr. Mario Bautista, bigyan pa rin naman natin siya ng pangalawang pagkakataon para patunayan ang kanyang sarili pagdating sa pakikisama.

Nakalulungkot nga nitong huli, dahil isang kasamahan din sa panulat na si Tita Len Llanes ang nabaliw kay Carla, dahil nagpakita raw sa kanya ng ‘di kagandahang asal ang magandang aktres nu’ng iniinterbyu niya.

Parang wala raw tiyaga ang dalaga na sagutin ang kanyang tanong, dahil paulit-ulit na raw iyong nasagot ng girlfriend ni Geoff Eigenmann. Sayang! Si Tita Len pa naman ‘yung tipo ng writer na kapag nakitaan ng magandang asal ang isang artista ay minamarkahan at talagang minamahal ng kanyang panulat.

ADVERTISING

Hindi pa huli ang lahat para kay Carla. Tinuturuan naman siya ng kanyang lola at beteranang aktres na si Miss Delia Razon ng magandang PR sa mga taga-showbiz. Ang daddy niyang si Rey PJ Abellana ay maganda rin ang PR. Huwag na ring lumayo pa si Carla ng magtuturo sa kanya ng pakikisalamuha sa press. Dahil ang boyfriend niyang si Geoff ay ma-PR din at hindi siya nagpapakita ng pagkapikon sa press kahit iniintriga na siya, ugaling nakuha naman ng binata sa kanyang mga magulang na sina Direk Gina Alajar at Michael de Mesa na magagaling ding rumespeto at makisama sa mga manunulat.

 

PAREHONG IPINANGANGALANDAKAN NINA Sarah Geronimo at Ge-rald Anderson na wala sila ngayon sa loob ng isang pakikipagrelasyon. Pero hindi pupuwedeng sabihin na walang magagandang babae na bukas ang posibilidad para maging bagong kasintahan ng guwapong aktor.

‘Yun nga lang, aminin man o hindi ni Gerald, kabado pa siyang muling makipagrelasyon pagkatapos ng hiwalayan nila ni Kim Chiu. Wala naman sa personalidad ni Sarah ‘yung basta na lamang maghanap ng bagong boyfriend pagkatapos ni Rayver Cruz.

Muli na namang magkakasama sa movie sina Sarah at Gerald. Pero kumita naman ang unang movie na kanilang pinagsamahan kahit hindi sila nagligawan. Kaya sa kanilang muling pagtatambal, hindi rin daw sila magpapaasa sa kanilang mga fans na posibleng ang inaamin nilang closeness sa ngayon ay mauwi na sa ligawan. Kaya nga puro ngiti mula kay Gerald at bungisngis naman mula kay Sarah ang ibinabalik nilang reaksiyon kapag mayroong mga na-ngangantiyaw sa kanila kung bakit hindi na lang maging sila, gayong si Rayver ay may Cristine Reyes na at si Kim naman ay wala munang panahon sa lovelife?

Lapitin si Gerald ng kababaihan, dahil guwapo siya. Dahil naman sa kanyang kasikatan, maingat si Sarah na baka magamit lang siya ng mga guwapong kalalakihan sa showbiz na ipinangangalandakan ang paghanga sa kanya.  Pagkatapos ni Rayver, ang susunod na lalaking pinapangarap niyang makarelasyon ay isang guy na ang uunahin munang ligawan ay ang mga magulang ng Pop Princess. Nang sa gayon daw ay sila muna ang magkapalagayang-loob. Mahirap nga namang makipag-relasyon sa isang lalaki kung kumokontra ang kanyang mommy’t daddy.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING