Carla Abellana nabili na ang dream wedding gown, kasal nila ni Tom Rodriguez tuloy na sa November

Leo Bukas
IKAKASAL NA ang showbiz couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa November 2021. Gaganapan ang wedding ceremony sa Madre De Dios Chapel sa Tagaytay Midlands.

Isa sa naging matinding paghahanda ni Carla para sa kanyang wedding ay ang paghahanap ng dream wedding gown na isusuot sa kasal. Kinailangan pa niyang lumipad papuntang Amerika para doon bumili.

Carla Abellana nabili na ang dream wedding gown, kasal nila ni Tom Rodriguez tuloy na sa November
Carla Abellana

Sa latest vlog ng aktres ay ipinasilip din niya ang ilan pang paghahanda na kanyang ginawa nitong mga nagdaang buwan mga para sa kanilang nalalapit na kasal ng fiancé. Kasama na rito kung paano niya nabili ang dream wedding gown sa Kleinfeld Bridal, isang sikat na bridal boutique sa Amerika na merong largest selection of wedding dresses.

“Naiyak ako. I’m grateful for that and I can finally, confidently say now that yes, I am free to fly, I am finally flying. I’m so happy because it’s true when they say, nabubunutan ng tinik yung dibdib mo, ganun?

“Gumaan na yung pakiramdam. Nawala na lahat ng stress, lahat ng iniyak ko, ng ipinagdasal ko, sulit talaga, super thank you.

“Alam ko parang mababaw. But it’s really my dream. So yes, finally, tuloy na siya,” emosyonal na pahayag ni Carla sa kanyang vlog.

Kasama ni Carla na nagpunta sa New York ang kanyang ina. Ayon pa sa future wife ni Tom sumunod din sila sa ipinatutupad na health protocols sa Amerika tulad na lang ng pagku-quarantine ng three days bago lumabas sa kanilang tinutuluyan. Dalawang araw na nag-stay ang mag-ina sa New York para sa hanapin ang wedding dress pati na rin ang shoes ni Carla.

Dahil panahon ng pandemya, aminado si Carla na malaking challenge ngayon ang magpakasal.

“Mas mahirap, given kasi pandemic ngayon, most especially because we don’t have full control over what’s happening around us, pati yung protocols, decision ng government, it affects everything.

“Pero kahit paano, naitatawid naman po so far,” pahayag niya.

Samantala, hindi naman natuloy ang dapat sana ay prenup shoot ng showbiz couple sa Samar dahil sa problema sa schedule.

“Sayang. Super sayang because I’ve never been to Samar. Tom hasn’t been there in a long time. And there are just so, so, so, so, so many beautiful spots there, most especially areas that aren’t frequented by tourists. So sayang because we already met for it, we had plans, we were working on our itinerary,” panghihinayang ng aktres.

“It’s sad but these things happen. Ganun talaga. At this point, we have to work. We have to prioritize work. So kung maisingit pa, kung makapag-plan pa ng prenup somewhere else, then go, we’ll push for a prenup. If not, then it’s okay. Perhaps we can do a postnup,” dagdag niya.

October 2020 pa nang mag-propose si Tom kay Carla pero March 2021 lang nila inamin that they are officially engaged.