Carla Abellana, na-shock sa ginawa ni Tom Rodriguez sa Bench fashion show

ADVERTISING

Carla Abellana, na-shock sa ginawa ni Tom Rodriguez sa Bench fashion show

Tom-Rodriguez-Carla-AbellanaWALANG HESITATION talaga si Tom Rodriguez na maging totally sexy and daring sa kanyang pagrampa na naka-brief lang sa katatapos The Naked Truth denim and underwear show ng Bench. Hectic man ang kanyang schedule para sa taping ng primetime series na My Destiny at pati ng bagong game ng GMA 7 na Don’t Lose The Money, pinagsikapan daw niya talagang mas magpaganda pa ng katawan.

“Sa diet talaga namin idinaan, e,” aniya, “Nagdadala ako ng dumb bells na pang-work out sa set. Kaso kahit anong work out ko ‘pag walang tulog pala, hindi na nagri-react.  Hindi na lumalaki,” pagtukoy niya sa muscles ng kanyang katawan.

“So idinaan na lang naming sa diet. At least kahit gano’n ‘yong schedule namin, naihabol namin.”

Pagkatapos ng Bench fashion, agad-agad ay nag-trending si Tom sa sumunod na 12 hours. At hindi raw siya aware hinggil dito.

ADVERTISING

“I don’t know. Honestly I don’t know,”sabay ngiti niyang reaksiyon.

“Ang galing!”tawa pa niya. “Well thank you sa mga nagpa-trend! Thank you so much. I didn’t know. Thank you so much guys! That means a lot. Second time ko na itong rumampa for Bench. My first time was 2010 sa Uncut pero naka-pants ako. So first time ko na underwear naman siya ngayon.”

Magkasunod na rumampa sina Tom at Dennis Trillo na Bench Body underwear lang ang suot. Nang magsalubong sila sa gitna, nagsigawan ang karamihan sa audience na inakalang magki-kiss sila.

Buhay na buhay pa rin ang tambalan nilang TomDen na nabuo nang magkasama sila sa My Husband’s Lover kung saan naging co-star din nila si Carla Abellana.

“We were so surprised na hanggang ngayon gano’n pa rin ‘yong reception. Kasi akala namin… okey, sige parte ng blocking gawin natin, parte ng prod.Hindi namin inisip na gano’n pa rin ‘yong magiging acceptance ng tao. So, we’re very happy. It was a really pleasant surprise para sa aming dalawa.”

Naroon at naging part din si Carla ng Bench fashion show. Ano ang reaksiyon nito nang rumampa na siya na naka-underwear lang?

“A… nagtsi-cheer daw siya, e. Happy siya, e!”sabay ngiti ulit ni Tom. “Nakaka-shock daw. Pero proud naman siya. Kahit naman sina Popoy (his manager) at si Dennis, they’re happy for me naman. Kahit alam nila na sobrang ninenerbiyos ako.Basta all of them naman, no’ng pagpunta ko na sa backstage… lahat sila na kasama naming rumampa, sina Rocco (Nacino), sina Pancho (Magno)…. all of them naman we’re very supportive. They were all there. And she was one of them. She’s very supportive. She’s very happy.”

Nakatakdang umalis patungong L.A. sina Tom at Carla. May show raw sila roon kasama ang iba pang Kapuso stars.

“We will be there for… dire-diretso na pagpunta namin doon show kaagad. Tapos balik ulit dito. So, I’m glad my parents will gonna be watching there din.”

Pagkakataon na para maipakilala niya si Carla sa mga ito.

“A… I see no problem doing that. Nagawa ko na ‘yon before. No’ng ipinakilala ko si Dennis at si Carla sa kanila during My Husband’s Lover U.S. Tour.”

 

PUNO ANG The Block Cinema 2 sa SM North kung saan ginawa ang block screening ng pelikulang Dementia nitong nakaraang Miyerkules, September 24.  Bukod sa bida rito na si Nora Aunor, naroon din si Jasmin Curtis-Smith at ang indue actress na si Althea Vega.

Kahit hindi kasama sa cast, naroon din para sumuporta ang Kapuso young actor na si Derric Monasterio at maging ang action superstar na si Robin Padilla.

Nakatutuwa na full support ang mga Noranians sa bagong pelikulang ito ni Mama Guy. Lalo na ang grupong NFF na siyang nangasiwa ng nabanggit na block screening.

Medyo na-delay lang ang pagsisimula ng screening. Na lalong naantala nang magtalumpati nang pagkahaba-haba ang matalik na kaibigan ng Superstar na si German Moreno.

May mga nainis. Meron din namang deadma na lang, kasi sanay na sa gano’ng drama ni Kuya Germs.

Kumbaga, Kuya Germs won’t be Kuya Germs kundi sa mahabang speech na siyang naging tatak na niya.

Kahit parang paulit-ulit lang naman ang kanyang nagiging litanya, keri naman niya.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING