Carla Abellana: May ebidensiya ng pag-bubuntis at pagkakaroon ng anak?! – Tita Swarding

ADVERTISING

Carla Abellana: May ebidensiya ng  pag-bubuntis at pagkakaroon ng anak?! - Tita SwardingCarla Abellana: May ebidensiya ng  pag-bubuntis at pagkakaroon ng anak?! - Tita SwardingOLA CHIKKA! MAHULAAN n’yo kaya kung sino itong pahuhulaan ko sa inyo? Naku, mga kafatid! I’m sure, pati kayo ay mabibigla dahil itong aking blind item ay fresh na fresh pa, galing sa isang probinsiya kung saan nanggaling itong singer na nanalo sa isang pakontes sa telebisyon.

Chikka ng aking parazzi girl, itong si singer ay balik na raw sa dati nitong buhay, as in true, mga kafatid. Dahil naghihirap nga raw itong si singer ngayon.

ADVERTISING

Kaya pala hindi na natin ito nakikita sa telebisyon at hindi rin ito naglalabas ng kanyang album. Kung hindi ako nagkakamali, isang beses lang itong nakapag-release ng kanyang album na hindi naman kumita, kahit ginamit sa isang teleserye ang kanta niya noon, huh!

Kaya ang tanong, nasaan na ang kanyang napanalunan na isang milyong piso at bahay pati negosyo na ibinigay sa kanya ng istasyon  kung saan ito nanalo noon? Waldas dito, waldas doon daw ang drama ni singer. Kaya, ayon, na-lost na ito at balik sa dati nitong buhay.

Pati raw ang negosyo na kasama sa papremyo niya ay nalugi pa. One day millionaire, ‘ika nga raw kung tawagin itong si lost singer. Naku, ha?!

ADVERTISING

Chikka pa ng aking parazzi girl, sinubukan daw kasing pasukin ni singer ang droga, huh! Ay , naku! ‘yan talaga ang magwawasak ng kinabukasan niya, kaya ayun, back to basics ulit itong si singer.

Kunsabagay, kung ‘yan ang kanyang gulong ng palad, wala ka ngang magagawa. ‘Yun na!

NAKITA KO NA ang mga larawang sinasabi ng mga nag-e-mail sa akin, kung totoo bang buntis ang actress na kapareha ni Geoff Eigenmann na si Carla Abellana.

Naisulat ko ito noong isang araw, ngunit kayo na po ang humusga kung totoo bang buntis ang actress at nakapanganak na nga raw ito. Kalat na kalat na nga raw ang mga larawan ng actress sa internet. Kaloka, ha?! ‘Yun na!

‘Wag n’yo pong kalimutang pakinggan ang aking programa sa dwbl 1242 khz everyday 8-9 A.M. at sa dzrh 666 khz every Sunday. At makikita n’yo rin ang beauty ko sa inyong telebisyon sa rhtv from 2:30-3:30 P.M. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING