Carla Abellana, masaya sa ‘walang label’ na relasyon nila ni Tom Rodriguez

Carla Abellana, masaya sa ‘walang label’ na relasyon nila ni Tom Rodriguez

Carla-Abellana-Tom-RodriguezSI CARLA Abellana ang pumirma ng kontrata sa GMA 7 nu’ng kamakalawa ng hapon.

Akala ko pa naman, si Aiai delas Alas na ‘yun dahil siya talaga ang malakas na pinag-uusapan na magiging Kapuso, pero wala pa siyang kinukumpirma.

Alam ko, magkasama sila ni Regine Velasquez sa drama series na gagawin sa GMA 7, pero tahimik lang si Ai-Ai. Basta abangan na lang daw!

Three years daw itong pinirmahan ni Carla sa GMA 7 at siyempre hindi naman siya lilipat, dahil maganda naman ang trato sa kanya ng Kapuso Network.

Hindi raw si Tom Rodriguez ang makakasama niya sa susunod na projects na gagawin niya, dahil hindi raw muna.

Mas gusto yata nilang i-partner sila sa iba dahil sila naman yata talaga na, eh. Pero ayaw namang sabihin nilang dalawa na sila na.

Sabi nga ni Carla, hindi raw niya alam kung ano ang i-label sa kanilang relasyon. Basta happy raw silang dalawa.

“Pareho kaming natatakot na lagyan ng label. Pareho kaming natatakot na tanungin ang isa’t isa kung ano ang title o label. Kumbaga, we’re just going with the flow lang,” sabi ni Carla.

Wala na ngang nanliligaw kay Carla, dahil siyempre ang alam ng karamihan sila na ni Tom. 

Basta okay naman daw silang dalawa, at mabuti na raw na ganu’n na lang muna para walang expectations sa isa’t isa.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis