Carla Abellana: ‘Mas maraming bading na aktor sa Dos kaysa sa Siyete!’

ADVERTISING

Carla Abellana: ‘Mas maraming bading na aktor sa Dos kaysa sa Siyete!’

Carla Abellana: ‘Mas maraming bading na aktor sa Dos kaysa sa Siyete!’SI CHARICE pa rin ang paboritong paksa ng usapan ngayon! Nakakaloka! Kasi kung napagdudahang tomboy ang lola nito, pati raw ang nanay na si Raquel Pempengco ay tibo rin. Kaya iiisang pamilya lang daw talaga sila.

ADVERTISING

Pero hindi ko naman maintindihan kung totoo ngang tomboy din ang lola at nanay Charice dahil, ‘di ba napabalitang dyowa nga ng nanay ni Charice ang driver nila?

Nagulo lalo dahil sa pag-out ni Charice.

Pero tama naman ang sabi ni Kuh Ledesma sa presscon ng My Husband’s Lover na dapat ay sundin muna ni Charice ang mga magulang niya.

ADVERTISING

Ang ibig lang naman niyang sabihin, kung gusto mong magpakatotoo sa buong mundo, unahin mo muna ang pamilya mo.

Dapat siguro ayusin muna niya nag gusot sa pamilya bago niya palalain ang gulo dahil lalo pang gumulo sa pag-amin niya sa publiko.

Nagsalita na sa Startalk ang lola ni Charice at masamang-masama ang loob nito dahil tanggap naman daw nila kung ano ang pagkatao nito.

Sabi nga ng lola ni Charice, bata pa lang ito ay nakitaan na nila nang pagkatomboy, at tanggap nila ito.

Kahit nga raw ang pagkaka-link nito noon sa manager niyang si Courtney ay tanggap nila dahil nakikita nilang natutulog ito sa bahay nila.

Sabi pa ng lola ni Charice, may pagkatomboy rin ang nanay niyang si Raquel kaya walang problema sa kanila ‘yun.

Carla Abellana: ‘Mas maraming bading na aktor sa Dos kaysa sa Siyete!’Hindi raw ang katomboyan nito ang tunay na problema nila sa pamilya kundi pera.

May mga bayarin pa raw na dapat ayusin na tanging si Raquel lang ang nag-aayos dahil hindi naman nagpapakita na sa kanila si Charice.

Kaya masama raw ang loob nito dahil nababalitaan niyang mas gumagastos pa si Charice sa napabalitang dyowa nitong si Alyssa Quijano.

Sana nga raw ay magpakita na si Charice sa nanay niya at magkaayos na sila dahil mas mabuting unahin muna nitong ayusin ang pamilya niya.

Gusto man daw puntahan nu’ng lola si Charice, natatakot daw siya at baka hindi lang siya pansinin.

Pinuntahan daw niya noon ang apo niya sa studio ng X Factor, pero hindi naman daw siya pinansin, kaya ayaw na niyang lapitan ito. Hintayin na lang daw niyang puntahan siya ng kanyang apo.

Abangan n’yo ang exclusive interview ng Startalk sa lola niya, at ang alam ko magsasalita na rin si Raquel. Tingnan natin kung sasagutin ito lahat ni Charice.

 

TUNGKOL SA katomboyan at kabadingan ang type na pinag-uusapan ngayon sa showbiz. Kaya tamang-tama naman itong bagong drama series ng GMA-7 na My Husband’s Lover na magsisimula na sa Lunes.

Sa press launch nga nito, tumitili raw ang mga kabadingan sa mga intimate moments nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

Sila kasi ang magdyowang bading dito, pero asawa naman ni Tom si Carla Abellana. Parang triangle nila, pero bading ang karibal ni Carla sa kanyang asawa.

Tuloy mga bading sa showbiz ang napag-usapan sa presscon nito.

Diretso naman si Carla sa pagkasabi na tingin daw niya mas maraming tagong bading na aktor sa ABS-CBN 2 kesa sa GMA 7.

Baka hindi lang daw siya marunong tumingin, pero basta ang obserbasyon lang daw niya, mas lamang talaga ang Kapamilya Network sa dami ng mga bading na aktor. Sa GMA-7 daw parang wala siyang gaanong nakikita. Pero hindi naman daw ito isyu sa kanila.

Mas makakatulong nga raw sa kanilang pag-out kung mapanood nila itong My Husband’s Lover.

Kakaibang drama ito ng GMA-7, kaya abangan n’yo na lang sa GMA Telebabad.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING