Carla Abellana, mahina ang PR sa press

ADVERTISING

Carla Abellana, mahina ang PR sa press

Carla-AbellanaKAILANGAN PA rin talagang patunayan ni Carla Abellana sa ibang mga kasamahan natin sa panulat sa showbiz na mayroon din siyang totoong puso para sa press, ‘tulad ng kanyang Daddy na si Rey PJ Abellana. Si Rey kasi, nu’ng kanyang kasikatan hanggang ngayon, walang pinipiling mga manunulat, lahat ay kanyang kinakausap. Ilang beses na naming nalapitan si Carla para i-ambush interview, at wala kaming naranasang kanegahan sa kanya. Ang nega ay ang mga tao Ring nakapaligid sa kanya.

ADVERTISING

Minsan, sa studio ng Startalk ng GMA 7, nilapitan ko si Carla. Sabi ko, “Carla, pa-interview naman, limang tanong lang.”  Pinagkakaguluhan siya ng mga fans, pero sabi ni Carla, “Sige po!” at ratsada na kami ng tanungan at sagutan. Game si Carla NA sumagot sa mga tanong ko. Nagkakagulo ang mga fans, kaya nakiusap ang staff ng programa na du’n na kami sa backstage magtsikahan, at niyaya ko si Carla sa backstage. Napakabait niya, dahil diretso niyang sinasagot ang mga tanong ko pati na tungkol sa hiwalayan nila ni Geoff Eigenmann.

Nakakatatlong tanong pa lang ako at mabilis ang tsikahan namin, dahil game nga sumagot si Carla, ay may isang dambuhalang naka-short na lumapit, at ang sabi, “Last question na ‘yan, huh!” at nakita kong nagkakagulo pa rin ang mga fans. Fans club siyempre iyon ni Carla. Kaya sa imbiyerna ko du’n sa nagpapa-last question ay naging huling tanong ko na ang ika-apat kong tanong. Nagmamadali ‘yung dambuhala, eh. Na nalaman ko, ‘yun pala ang road manager ni Carla. Hindi nagmamadali ang magandang aktres, dahil nu’ng makita ko naman ay nagtagal pa sila ng tsikahan ng mga fans at si dambuhala ang may hawak na kamera at kumukuha ng picture sa mga fans, kasama si Carla. Samantalang kung tutuusin, marespeto, mabilis akong magtanong at mabilis dinG sumagot si Carla kaya matatapos sana agad kami.

Atribida ang dambuhalang road manager na iyon. May malaking silbi siyemPre siya sa career ni Carla. Pero kung si Carla mismo, walang problema, dahil mabait talaga siyang lapitan. Kung mapapatunayan niya ngayon na mabait talaga siya sa press, ay baka nga kapag nag-asawa si Marian Rivera ay siya na ang susunod na Reyna ng GMA-7. Sa totoo lang kasi, patuloy ang intriga na mahina ang PR sa press ng napakaganda pa namang aktres.

ADVERTISING

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING