Carla Abellana, kaagaw na ni Marian Rivera sa pagiging reyna ng Siyete!

ADVERTISING

Carla Abellana, kaagaw na ni Marian Rivera sa pagiging reyna ng Siyete!

BONGGA SI MOMMY Dionesia Pacquiao nang mag-guest sa amin sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado, dahil pinagkaguluhan siya.

ADVERTISING

Ang nakaaaliw pa sa kanya, hindi yata niya alam ang title ng show namin. Basta sinasabi lang niya na nandito raw siya sa showbiz talk show ng GMA at laging binabati niya ang mga fans niya at mga kapitbahay niya.

Hindi na talaga maiwasan ang pagiging celebrity mom ng ina ni Manny Pacquiao dahil ang daming nagpalitrato sa kanya sa studio at inabangan ng lahat ang mga pagsayaw niya at ang interview namin.

Kung si Mommy Dionesia ang papiliin, ayaw niyang mag-artista. Happy na raw siya sa mga commercials na ginagawa niya. Ayaw na raw niya ng magulong mundo ng showbiz dahil lagi na lang siya naiintriga.

ADVERTISING

Dini-deny nito ang lumabas na intrigang ipinag-shopping daw niya ang dance instructor niya nang mahigit isang milyong piso nu’ng nasa Amerika siya.

Hindi naman daw totoo ‘yung DI na nali-link sa kanya. Meron lang daw nakipagsayaw sa kanya na asawa ng kaibigan niya na may hitsura, pagkatapos ini-link na siya roon.

Lahat naman daw ng DI niya, may-asawa, kaya malabong ma-link daw siya du’n. Pero ewan ko lang, ha? Kasi narinig ko ngang nagalit na raw si Manny at meron na nga raw siyang ipinatanggal na DI ng nanay niya, kaya karamihan sa mga DI nito ngayon, kundi may-asawa, bading naman.

Pagkatapos ng guesting na ‘yun ni Mommy Dionesia sa Startalk, and dami nang nagtawagang show na gusto siyang i-guest pero kailangan na raw niyang bumalik ng Gen. Santos kinabukasan.

Babalik uli siya rito dahil meron na naman siyang isa pang commercial na gagawin.

Naku! Abangan n’yo ang mga commercial na ginawa ni Mommy Dionesia. Tinalbugan na ang ibang kilalang artista na sa halip mapunta pa sa kanila, na kay Mommy Dionisia na ngayon.

NGAYONG ARAW NA magsisimula ang Rosalinda ni Carla Abellana kaya marami ang nag-aabang kung mainit ang pagtanggap ng mga tao sa bagong star na ilulunsad ng GMA 7 at kung positive ang feedback sa tandem nila ni Geoff Eigenmann.

Kabado ang dalawa siyempre, pero mas excited naman sila dahil kahit saan sila magpunta, kilala na silang nasa Rosalinda. Sabi nga ni Carla, mas kilala siyang Rosalinda kesa sa tunay niyang pangalan at mas type niya ‘yun dahil ibig sabihin, inaabangan na talaga itong bagong primetime series niya sa GMA 7.

Touched na touched pa si Carla kay Marian Rivera dahil nu’ng presscon nito kamakailan lang, pinadalhan pala siya ni Marian ng bulaklak at gustung-gusto niya ang message na ipinadala sa kanya ng aktres.

Gusto lang naman ni Marian na iparating sa kanya ang suporta nito at para malinaw na walang intriga sa kanilang dalawa.

Malapit na ring simulan ang Darna ni Marian at dapat mag-hit din itong Rosalinda para dalawa na silang reyna sa Kapuso network.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING