Carla Abellana, inabsuwelto si Kylie Padilla sa break-up kay Geoff Eigenmann

ADVERTISING

Carla Abellana, inabsuwelto si Kylie Padilla sa break-up kay Geoff Eigenmann

Carla-AbellanaUNANG KAAGAD itinanong kay Carla Abellana ang isyung dahilan ng break-up daw nila ni Geoff Eigenmann ay si Kylie Padilla?

ADVERTISING

Kaagad namang itinanggi ni Carla na si Kylie ang 3rd party sa hiwalayan nila ni Geoff. Wala raw kinalaman ang actress sa break-up nila ng actor.

Kung magkakaroon nga raw ng pagkakataon si Carla na kausapin si Kylie, gagawin niya pero hindi raw sila nagkakaroon ng pagkakataon na magkausap. Sa Sunday TV show naman ng GMA 7 kung saan sila magkasama, magkahiwalay ang dressing room nila.

Hindi alam ni Carla kung gaano kabigat kay Kylie ang break-up kay Aljur pero one thing na sinisiguro ng una na walang katotohanan na pinormahan ng ex-boyfriend niyang si Goeff ang dalagang anak ni Robin Padilla.

ADVERTISING

Napansin ng press ang kakaibang aura at kasiyahan ngayon sa mukha ni Carla, meaning ay talagang nakapag-move-on na ito sa break-up kay Geoff.

Tinukso tuloy siya na si Tom Rodriquez, ang leading man niya sa bagong teleseryeng My Destiny na papalit sa timeslot ng Kambal Sirena sa GMA 7, daw ba ang gumamot ng sugatan niyang puso?

Sabi naman ni Carla, ayaw niyang pangunahan ang maaaring mangyari sa kanila ni Tom. Right now ay magkaibigan sila at doon daw muna sila naka-focus.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING