Carla Abellana, in-unfriend si Cai Cortez dahil sa pagkaka-link kay Tom Rodriguez

ADVERTISING

Carla Abellana, in-unfriend si Cai Cortez dahil sa pagkaka-link kay Tom Rodriguez

Carla-Abellana-Cai-CortezKinalimutan nang kaibigan ni Carla Abellana si Cai Cortez nang masangkot ang huli sa boyfriend nito na si Tom Rodriquez. Hindi na nga alam ni Cai kung nasaan na ngayon ang samahan nila ni Carla dahil in-unfriend na siya ng actress matapos ma-link kay Tom.

Nagsimula ang lahat matapos na matsismis na nagkaroon ng one night stand sina Cai at Tom. Sa interview kasi kay Cai sa isang radio program, kung saan nagsalita siya tungkol sa sukat ng mga ari ng ilang celebrities. Nasama rito ang pangalan ni Tom at dito na nagsimula ang tsismis na nagkaroon ng sexual encounter ang dalawa.

Pero nang matsika ng press si Cai ay buong ningning na itinanggi nito na nag-sex sila ni Tom. Wala daw naalala si Cai na sinabing nag-sex sila ng boyfriend ni Carla. Nabigyan na lang daw ng kahulugan nang mabanggit niya ang pangalan ni Tom sa usapang “dick sizes” sa naturang radio program.

Tsika pa ni Cai, magkasama sila noon ni Tom sa TV5 bago pa raw ito lumipat at naging Kapuso. At wala pa raw sa buhay ni Tom si Carla Abellana noon maging malapit sila sa isa’t isa ng actor.

ADVERTISING

Nang tanungin ng press si Cai kung nagkaroon ba talaga sila ng tikiman ni Tom Rodriguez kaya nasabi niyang malaki ang hinaharap ng actor. Walang direktang pag-amin si Cai, basta sinabi niyang, “I just saw it!”

Hindi raw akalain ni Cai na magiging controversial ang naging pahayag niya tungkol kay Tom at pinagdiinan na wala siyang sinabing nag-sex sila nito.

Ayon pa kay Cai, nagkakausap pa rin daw sila ni Carla Abellana pero in-unfriend na raw siya ng actress sa social media.

Samantalang kasama si Cai Cortez na anak sa tunay na buhay ni Rez Cortez sa bagong serye ng Dos na And I Love You So na pinagbibidahan nina Julia Barretto, Miles Ocampo, Angel Aquino, Dimples Romana, Tonton Gutierrez, Iñigo Pascual, Kenzo Gutierrez, atbp.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING