Carla Abellana, imbyerna sa taga-production ng kanyang endorsement

Carla Abellana, imbyerna sa taga-production ng kanyang endorsement

Carla-AbellanaINULOL SI Carla Abellana ng taga-production ng isa niyang endorsement. Halatang imbiyerna si Carla nang mag-post siya sa Instagram ng kanyang hinaing matapos siyang tarantaduhin ng production.

“Gigisingin ka para sabihing naging mas maaga ng dalawang oras ang calltime mo. Babangon ka para maligo, mag makeup, magbuhok at magbihis sa loob ng isang oras. Record sakin yun. I-cacancel mo lahat ng appointment mo na sana gagawin mo bago ka mag trabaho. Endorsement to eh, mas importante at ayaw na ayaw mo silang biguin” panimula ni Carla.

“Magmamadali kang umalis ng bahay dahil bukod sa ayaw mong ma-late, alam mong biyernes ngayon kaya doble ang traffic. Nasa North ka nakatira at nasa dulo ng South ang trabaho mo. Sumakay ka ng kotse hingal na hingal ka pa. Nakarating ka sa trabaho mo ng mas maaga pa ng konti. Masaya ka dahil nakaabot ka at alam mong mapapasaya mo ang kliyente,” dagdag pa ng dalaga.

“Biglang sasabihin sayo na balik na sa orihinal na calltime ang trabaho mo. So ngayon mas maaga ka na sa location ng dalawang oras. Naghahanap ka ng libangan, pupunta nalang muna sa ibang lugar. Palayo ka na ng konti para lang malamang cancelled nalang pala ang trabaho mo. Hindi naman yata tama ito. #tsktsk,” pagwawakas ng dalaga.

Clearly, ginago si Carla ng production na tila walang pinag-aralan at hindi professional kausap. Ang dapat sa mga ganitong tao ay pagsasampalin nang walang humpay. Mga bastos sila at walang modo, mga taong walang dignidad.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas