Carla Abellana ibinibenta ang condo unit na pinangarap lang niyang bilhin noon

ADVERTISING
Leo Bukas

IBINIBENTA ni Carla Abellana ang condo unit niya na nasa The Grove (Rockwell) sa Pasig City kaya sa kanyang latest vlog ay nagkaroon siya ng parang condo tour para makita ito ng interesadong bumili.

Sa video ay ipinasilip ni Carla ang loob ng kanyang condo way back 2009.

ADVERTISING

“I bought this property during pre-selling nu’ng bago pa lang ako sa showbiz.  Binili ko siya pre-selling so hindi as expensive. So it’s been about eight  years already, more or less.

Carla Abellana ibinibenta ang condo unit na pinangarap lang niyang bilhin noon
Carla Abellana

“I bought it in 2012. Nu’ng time na yon, ginagawa pa lang ang The Grove. Hindi pa buo lahat ng towers and there are six towers by the way,” kuwento ni Carla sa kanyang vlog.

Ipinagmalaki rin ng dalaga na mataas na ang market value ngayon ng condo unit na nabili niya noon.

ADVERTISING

Aniya, “In all fairness, sa loob ng walong taon nag-increase na po ang market value ng The Grove. If you consult a real estate broker sasabihin naman nila. May idea naman sila, more or less, kung magkano na po ang market value dito per square meter, dito sa The Grove.”

“I’m so happy na worth it yung investment ko dito. Nag-grow na yung price, yung value, through the years and I believe I’m ready to let go, guys. I’m ready to let go of this condo unit.

Para matirhan na talaga s’ya nang tuluyan ng whether it’s a newlywed couple, mag-boyfriend-girlfriend, a small family, or whatever,” dagdag niyang pahayag.

Sa Rockwell dati nagtatrabaho si Carla bago siya nadiskubre at naging artista.

Balik-tanaw niya, “Alam n’yo ba na nagtrabaho ako sa Rockwell Land bago ako mag-show business? Yes, nagtrabaho po ako for Rockwell. I was in Human Resources.

“I think, nasabi ko na po ito sa ilang vlog ko at ilang interviews ko for work. But, yeah, believe it or not, I worked in Human Resources for Rockwell Land for a year and three days. O, di ba? May three days pa.

“Tapos nakakatuwa lang kasi nung nagtatrabaho pa ako sa Rockwell, nangarap ako siyempre, di ba? Nangarap ako na, ‘Ay, ang mahal ng Rockwell. Grabe. Kelan ko kaya maa-afford ang Rockwell?’ Suntok man sa buwan na wishful thinking or whatever pero sabi ko, ‘What if one day, di ba?’

“Hindi naman masama mangarap. Libre lang naman mangarap. So sabi ko, ‘Balang araw magkakaroon din ako ng condo unit sa Rockwell.’ And, we are here now.”

Dagdag pa ni Carla, “So nagkatotoo yung aking pangarap. Nagkatotoo yung promise ko sa sarili ko na one day magkakaroon ako ng condo unit sa Rockwell. It’s just fascinating to think of it right now. It’s overwelhing. Ang sarap ng pakiramdam  na isa sa mga pangarap mo natupad mo, di ba,” sambit pa ng girlfriend ni Tom Rodriguez.

ADVERTISING