Carla Abellana, hindi ma-imagine na nasa ibang istasyon

ADVERTISING

Carla Abellana, hindi ma-imagine na nasa ibang istasyon

Carla-AbellanaMASAYANG IBINALITA ni Carla Abellana sa Startalk na katatapos lang niyang mag-renew ng exclusive contract sa GMA-7. Sabi nga ng actress, “Formality lang ‘yun, mabilis na nagkaintindihan ang both party,” say niya. Hindi ma-imagine ng mga big bosses ng Kapuso Network si Carla sa ibang istasyon. Taos-puso ang kanilang pasasalamat sa dalaga dahil sa pagtitiwala nito.

ADVERTISING

Hindi matatawaran ang tandem nina Carla at Tom Rodriguez, todo ang suportang ibinibigay sa kanila ng publiko dahil sa kakaiba nilang chemistry. Pero nagtataka ang kanilang mga fans, wala pang balita kung may susunod silang soap sa Siyete. Kailan kaya magbabalik-tambalan ang dalawa?

Paliwanag ni Carla, “Hindi ko alam, ang alam ko hindi pa muna ngayon but we’ll see, everything is possible. Baka biglang magkaroon ng big changes, ‘di ba?At least, magkaroon ako ng bagong leadingman. Siya naman, may chance na magkaroon ng bagong leading lady, at least maiba.”

Agad may naka-line-up na TV project si Carla sa Siyete. “Teleserye middle of June, mayroon akong uumpisahan. For now, mayroon akong isang project under public affairs ‘yung ‘Karelasyon’. First time mayroon akong ganu’ng show. I’ll be hosting Karelasyon, drama show siya, drama anthology siya, April 11 ang start. Sanay naman tayong mag-host, mapa-variety… medyo may pagka-dark itong bago kong show, mas serious, Hindi ako ‘yung umaarte rito, ako lang ‘yung nagkukuwento. ‘Yung mga totoong problem ng mga relationship kung papa’no nila nao-overcome. Aminin naman natin ang mga relationship, may mga tukso, may mga pagsubok. Talagang magte-test ng pagsasama ninyo, so ‘yun ang Karelasyon.”

ADVERTISING

Maganda ang aura ngayon ni Carla kahit walang karelasyon. Mas tahimik daw ang buhay niya sa pagiging single. “Mas may time akong mag-relax with the family, with the puppy at home. Siyempre, kapag hindi ka sobrang busy, tahimik ang buhay mo, mas ini-enjoy mo.”

Kapag may time, nakikipag- date din si Carla pero friendly date lang raw ‘yun dahil hindi pa siya ready for a serious relationship. ‘Yung friendship mayroon sila ni Tom, ini-enjoy nila pareho. Iba raw kasi kapag may mutual understanding na kayo ng isang guy. Nand’yan ‘yung temptation at may pressure kaagad. Gusto muna ni Carla na mag-focus muna sa trabaho. Hindi siya nagmamadali, kung darating saka na niya ito haharapin at poproblemahin, if ever maramdaman nitong in love na naman siya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING