Carla Abellana at Geoff Eigenmann, tuluyan nang nag-break

ADVERTISING

Carla Abellana at Geoff Eigenmann, tuluyan nang nag-break

Geoff-Eigenmann-Carla-AbellanaANG ALAM kong tuluyan na talagang nag-break ay sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana.

Matagal na pala silang break. Nu’ng nag-birthday si Geoff, wala na sila ni Carla. Pero close pa rin kasi ang Kapuso actress sa pamilya ni Geoff, kaya dumalo pa ito sa birthday ng dating boyfriend.

May nagsabing may third party involved, meron namang nagsabing wala.

Malapit na raw magsalita si Carla para sabihin ang lahat tungkol sa hiwalayan nila ni Geoff. Abangan na lang siguro natin ‘yan. Siyempre sa Startalk n’yo abangan ‘yan!

ADVERTISING

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING