Carla Abellana, ‘di pinaplano ang relasyon

ADVERTISING

Carla Abellana, ‘di pinaplano ang relasyon

1 Carla-AbellanaMAY PAGKA-CONSERVATIVE din naman kasi ang pagdadala ng personality ni Carla Abellana, kaya kahit sabihin at purihin pa na isa siya sa may pinakamagandang mukha ngayon sa showbiz, puro bungisngis lang ang reaksiyon niya.

Hindi mayabang ang anak ni Rey “PJ” Abellana para ipagmalaki niya ang kanyang mukha, na dahilan din kung bakit sobrang ligawin siya ng mga kalalakihan. Para sa apo ng beteranang aktres na si Delia Razon, mukha lang iyan.

Kaya hindi puwedeng biruin si Carla na kung nagkahiwalay sila ng dati niyang karelasyong si Geoff Eigenmann ay makakahanap pa siya ng mas nakahihigit sa anak ni Direk Gina Alajar.

Hindi raw ganu’n kabilis makalimot ang leading lady ni Ryan Agoncillo sa sitcom na Ismol Family ng GMA-7. Kahit naman hanggang ngayon na marami nang umaaligid manligaw sa kanya ay aminado pa rin naman ang aktres, na hindi pa talaga siya nakakabawi sa hiwalayan nila ni Geoff.

ADVERTISING

“‘Yung kung kailan ka ulit makikipagrelasyon, sa akin naman, hindi ko pinaplano iyon kung kailan. Basta, hinahayaan ko lang ang sarili ko kung kailan. Sa ngayon, puro sa trabaho muna ang panahon ko,” wika ni Carla.

Magiging busy nga kasi si Carla, dahil habang magsisimula na sa ere ang sitcom nila ni Ryan, magbibida rin siya sa teleseryeng My Destiny, kaya nga sinasabing pagkatapos ng matagumpay na My Husband’s Lover ay mabango talaga ang kanyang pangalan sa GMA-7. kaya kung si Marian Rivera ang primetime queen ng Kapuso network, ay si Carla naman ang primetime princess.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING