Carla Abellana, balak ipares kay Aljur Abrenica

ADVERTISING

Carla Abellana, balak ipares kay Aljur AbrenicaCarla Abellana, balak ipares kay Aljur AbrenicaBLIND ITEM: GRABE na pala talaga ang kakatihan ng isang aging actress na kilalang nagpapa-sexy rin noong araw. Palibhasa’y may asim pa rin daw ito, aba, on the lookout ito ng mga bagets na magiging regular na kakangkangan niya!

Ito rin ‘yung aktres na dahil ayaw na siyang patulan nang isa pang bagets na pinangakuan niya ng kung anu-ano, aba, pinagkakalmot  daw ito ng hitad!

ADVERTISING

Talamak na ang pagiging “nympha sa putikan” ng lola ninyo! Sa shooting ng isang indie film, may namataan palang ekstra ang maelyang aging actress. Hindi raw niya ito tinantanan hangga’t hindi natatapos ang shooting.

All of a sudden, bigla raw nawala ang poging ekstra. Nawala ring bigla sa location ang aging actress. Isa sa production staff ang nagtanong kung saan nagpunta ang dalawa lalo na ‘yung ekstra na kailangan pa pala sa eksena, aba, sagot agad ng mga staff — “Hayun, tineyk home na ng lola ninyo ang bagets na ekstra!”

Mereseng araw-araw yata ay laman ng blind items ang aging actress ay talagang hindi na mapigilan ang kati nito. Eh, sey nga ng unang boylet na nakakangkangan nito: “Wala na akong maramdaman noong mag-sex kami. Super-luwag na ‘yung sa kanya!”

ADVERTISING

Kailangan na siguro ng  lola ninyo ang magpa-vaginal plasty kay Dra. Vicki Belo.
PINAGSAMA-SAMA RECENTLY ang mga Kapuso at Kapamilya stars sa nakaraang fashion show ng Bench, Human at Kashieca na ginanap sa SM Mall of Asia Main Atrium at du’n makikita kung sino talaga ang sikat at tunay na may dating dahil tinitilian talaga sila ng mga audience.

Sa pagbulaga pa lang nina Gerald Anderson, Jake Cuenca at Kim Chiu ay dumadagundong na ang response ng mga manonood sa kanila.

Nasorpresa kami kay Coco Martin. Ganoon na pala talaga siya kasikat dahil halos kasing-tindi na rin ng tilian ng mga manonood sa kanya ang narinig at nakita namin na gaya sa mga naunang Kapamilya stars na nabanggit namin.

Sa Kapuso stars, ang talagang nangibabaw sa tilian ng fans ay si Dingdong Dantes at wala nang iba pa.

Hindi namin inaasahan ang luke warm na response ng publiko sa pagrampa ni Carla Abellana. It’s like saying na hindi pa siya masyadong tanggap ng publiko kahit nagbibida na siya sa Rosalinda ng GMA-7.

Mas naaliw pa ang maraming manonood sa presence ni Elizabeth Ramsey sa pagpapakwela nito sa rampa.

Puwedeng maging reliable na basehan ng kasikatan ang ganito. Sa Trinoma noon, nang i-launch ang Raw Black OJ ng Bench na ang endorsers ay sina Aljur Abrenica at Kris Bernal, walang masyadong mainit na tilian sa kanila.

Ngayon daw ay si Carla Abellana ang susubukang mai-pareha kay Aljur. Kawawa naman si Aljur. Mukhang nahihila siyang pababa ng mga nakapapareha niyang babae.

Calm Ever
Archie de Calma

ADVERTISING