Carla Abellana at Tom Rodriguez, kasal na lang ang kulang

Carla Abellana at Tom Rodriguez, kasal na lang ang kulang

Tom-Rodriguez-Carla-AbellanaSUPER CLOSE ang mag-boyfriend na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Sabi, kasal na nga lang daw ang kulang sa dalawa para maselyohan na ang relasyon nila. Total, hindi na rin kabataan si Carla at si Tom naman ay nasa marrying age na rin na tila tama lang na pag-isipan na ng dalawa ang kasal para makapanigurado.

Malamang, nakatulong sa dalawa ang pagsasama nila during the shooting of the film No Boyfriend Since Birth na another romcom mula sa direksyon ni Joey Javier Reyes na after ng super successful na PreNup nina Jennylyn Mercado at Sam Milby, malamang sa hindi, ini-expect na rin na mag-hit sa takilya ang movie ng dalawa.

Kung ako kay Carla, mag-decide na rin siya as early as this time kung si Tom ba talaga ang lalaking makasasama niya in the future at may balak silang magka-baby (na siyang gusto naman ng mga mag-asawa), dahil Carla is not getting any younger. Baka magkaproblema siya sa pagko-conceive ng magiging baby nila kung saka-sakali.

Reyted K
By RK VillaCorta