Carla Abellana at JC Intal, gimik lang ang hiwalayan?! – Lolit Solis

ADVERTISING

Carla Abellana at JC Intal, gimik lang ang hiwalayan?! - Lolit Solis

NAKU, ARNOLD VEGAFRIA pagsabihan mo ‘yang alaga mong si Carla Abellana, ha?

ADVERTISING

Nagpa-interview noon na break na raw sila ng basketbolistang boyfriend niyang si JC Intal pero pagkalipas ng ilang araw, biglang nag-post daw ito sa isang internet forum na hindi naman daw sila break ni JC.

Ginawa lang daw niya ‘yun para sa loveteam nila ni Geoff Eigenmann!

Pinasok niya ang ganitong propesyon at sinunod niya ang mga utos sa kanya para maging effective ang pinasok niyang career, pagkatapos babawiin? Nakakaloka, ha!

ADVERTISING

Alam n’yo naman ang ilang staff ng Startalk nagkakalkal sa internet, nabasa nga nila itong post ni Carla para sa mga fans daw ni JC.

May mga litrato pa nila na mga recent na kuha raw ‘yun, para makapagpatunay na sila pa rin. (Narito ang ilan sa mga larawan nina Carla at JC na ibinigay sa atin, galing sa post umano ni Carla)

Naku! Kayo na ang humusga kung ano talaga ang totoo. Sana huwag lang makaapekto sa Rosalinda dahil ang dinig ko, na-extend pa nga ang taping nito, at medyo matagal pa matatapos.

Sana, kung talagang gusto nilang palabasing break na nga sila para sa loveteam nito kay Geoff, okay na ‘yun. Huwag nang bawiin, ‘di ba?

Tinanong ngayon ng reporter namin sa Startalk itong nilagay niya sa internet, itinatanggi ito ni Carla. Hindi raw siya ang may gawa niyon at hanggang ngayon ay break pa rin daw sila ni JC.

Hindi naman daw nanliligaw sa kanya si Geoff at okay na raw sila as friends.

Sey naman ni Geoff, ayaw raw niyang i-take advantage ang pagkakataong ngayong malungkot si Carla dahil sa break-up na ‘yun.

Basta nandiyan lang daw siya para sumuporta at lalo nga raw silang naging close. Sabi pa nga niya, next to his Mom, si Carla raw ang babaeng pinakamalapit sa kanya. O, ‘di ba bongga? ‘Yun na ‘yun!

KAHIT MEDYO PINAGLALAPIT na sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos dahil sa Stairway to Heaven, consistent pa rin naman si Marian Rivera sa pagsabing hindi siya nagseselos, dahil wala naman siyang dapat ipagselos.

Mabuti naman kung ganu’n kasi tingin ko naman sa dalawa, talagang ginagampanan lang nila nang mabuti ang role nila bilang Cholo at Jodi sa Stairway to Heaven.

In fairness sa Stairway, lalong tumataas ang ratings nito dahil paganda nang paganda ang takbo ng kuwento.

Ang dami na ngang nagkukuwento sa aking gumaganda na ito at sinusubaybayan na nila nang husto.

Ang isa pang kinabibiliban nila ay si Glaiza de Castro bilang kontrabidang si Eunice. Bongga ang performance niya, maganda at convincing ang pagiging masamang stepsister ni Jodi.

Nagpapasalamat lang si Glaiza, wala pa raw nang-aaway sa kanya kapag lumalabas siya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING