Carl Guevarra, may kasalanan sa break-up nila ni Kris Bernal

ADVERTISING

Carl Guevarra, may kasalanan sa break-up nila ni Kris Bernal

Carl-Guevarra-Kris-BernalINAMIN NI Carl Guevarra na siya talaga ang may kasalanan sa break-up nila ni Kris Bernal.

“Break na talaga kami ni Kris ( Bernal). I mean break na talaga kami. Pero sa text lang kasi ‘yun, then siguro, mga one week din ‘yun na hindi talaga ako nagparamdam, although ‘yung break-up namin, ako talaga ang may kasalanan.

“Then, parang after one week, nag-text ako sa kanya. Nangungumusta lang. Nag-reply naman siya, pero alam mo na parang gulat pa siguro, nangumusta ako. Tapos ‘yun text-text, tinanong niya ko kung tutuloy raw ba ako sa Japan. Sabi ko naman, hindi na lang siguro, pero babayaran ko pa rin ‘yung mga nagastos kasi na-book na yung airfare, accommodation doon at saka visa pa.

“Natuwa naman ako dahil ‘yung mommy ni Kris, siya pa rin ang nagsabi na sabihin daw sa akin, sumama na ako kasi sayang din naman dahil na-book na nga,” kuwento ni Carl.

ADVERTISING

So, sumama na rin si Carl sa Japan pero magkaibigan lang daw sila ni Kris. Puwede raw magpaligaw ang actress at siya naman ay puwedeng manligaw ng iba.

Pero paglilinaw ni Carl na walang third party sa break-up nila ni Kris. Sadyang may pagkakataon lang daw kasi na hindi raw nila nagagawa ang mga bagay na dapat sana nilang tuparin or sundin.

When ask si Carl kung balak pa niyang ligawan uli si Kris. Kaagad na tugon nito ay possible daw dahil siya naman daw talaga ang may kasalanan ng paghihiwalay nila ni Kris.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING