‘Car Scene’ nina AJ Raval at Sean de Guzman sa ‘Hugas’ pinagpiyestahan ng netizens

KAHIT na dumadami ang mga sexy stars na mapangahas magpakita ng kanilang katawan sa kuwadra ng Viva, hindi maikakaila na hanggang ngayon ay si AJ Raval pa rin ang numero uno sa listahan. Maituturing nga na siya talaga ang Prinsesa ng Vivamax
dahil pinapanood ng mga tao ang mga pelikula niya na talaga namang nararating nila ang langit tuwing gumagawa ng love scenes ang dalaga.

'Car Scene' nina AJ Raval at Sean de Guzman sa 'Hugas' pinagpiyestahan ng netizens
AJ Raval and Sean De Guzman

Ang ‘Hugas’ ang second offering ng Vivamax ngayong 2022. Bida rito sina AJ Raval at Sean De Guzman, na maituturing na natin na magka-loveteam dahiil nasubukan na ang kanilang natural chemistry sa Nerisa at Taya. Hindi na nagkakailangan ang dalawa sa pakikipaglampungan sa harap ng kamera at mas lalo pa nilang tinodo ang pagpapainit sa kanilang mapangahas na outdoor car sex scene in broad daylight.

Gamay na gamay na ng dalawa ang isa’t isa at kahit sa social media ay nagtrending noong weekend ang ‘Hugas’ at ‘AJ Raval’ dahil marami pa rin ang shocked na ganun pala ka-daring ang mga eksena ng nasabing pelikula. Supposedly an action movie with the presence of iconic 90’s action stars Joko Diaz and Jay Manalo, tila naging compilation ito ng mga love scenes na kumikiliti sa imahinasyon ng mga kalalakihan.

Maliban sa trending outdoor love scene nina AJ at Sean sa kotse, nan’dyan din
ang eksena kung saan nang-holdap sila ng bangko, pero bago tinangay ng karakter ni Sean ang mga pera ay tinangay niya muna ang pagkababae ng isang bank teller na ginagampanan ni Stephanie Raz. Was that scene necessary? No. Nakaraos ba ang nakanood sa kani-kanilang private homes? Malamang!

Idagdag din natin ang prolongue love scenes ni Cara Gonzales kay Jay Manalo, na sa sobrang tagal ng eksena ay naging uncomfortable na panoorin.

Alam naman natin na ang mga sexy films ng Vivamax ang bumubuhay ng subscription platform, pero sana’y bawasan nila ang mga eksenang pagtatalik at sana, kapag pino-promote nila ang mga pelikula sa social media ay hindi na ipakita ang mga maseselang eksena sa teaser pa lang. Ito ay maaaring makaapekto sa mental health ng mga baguhang babae at lalaki na naghuhubad bilang stepping stone nila sa showbiz.