Captain Barbell, papasok din? Liza Soberano, type makasama si Enrique Gil sa Darna

ADVERTISING

Captain Barbell, papasok din? Liza Soberano, type makasama si Enrique Gil sa Darna

Liza Soberano
Liza Soberano

BASTA LIZA SOBERANO ang isinusulat namin, kadalasan ay hindi magkamayaw ang mga fans ng dalaga.

 

Isama mo pa si Enrique Gil sa kuwento na isusulat mo, e di pandemonium na an kalalabasan!

 

Sa media launch ng bagong endorsement ni Liza na MegaPro Plus Karaoke, nagpaunlak ang dalaga ng isang bonggang song number onstage.
 

Nagpaka-Selena Gomez siya with an upbeat song entitled Who Says na sa ganang akin ay she can carry a song na hindi naman sintunado(no offense meant to Ann Curtis, lab kita girl).

ADVERTISING

Nagpaka-Selena Gomez siya with an upbeat song entitled Who Says.

 

 
 
Sa question and answer portion ng event ay hindi ko alam kung biro or seryoso si Liza na ibinalita sa media na malapit na nang matupad ang pangarap niya na magkaroon ng recording album at maipamalas ang kanyang singing talent.
 
Liza Soberano
Liza Soberano

Kuwento ni Liza na she started singing at the age of 12. Dinevelop niya ang hilig sa music sa edad na yun. “I did guitar lessons also. That would be something that I would like to get back to. I would love to work with ate KZ (Tandingan). I’m so in love with her voice,” pagkukuwento ng dalaga.

 
Aside from her “singing career” plan ay madami ang excited sa nalalapit na shooting ng pelikulang Darna to be directed by Erik Matti.
 

May balita nga ngayon na kumakalat na baka ipasok ang karakter ni Captain Barbel sa pelikula. Gayundin naman, why not ang gym buddy niya na si Enrique Gil na lang kung sakali?
 
May sagot agad ang dalaga na sabay bungisngis. “That would be good. I think bagay siya sa role naman. Ang laki ng katawan ni Quen e,” na may tonong kilig sa sinabi ang dalaga.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING