Camille Prats, hinintay muna ang desisyon ng anak bago pakasal

ADVERTISING

Camille Prats, hinintay muna ang desisyon ng anak bago pakasal

Camille-Prats

Bago pakasal

si Camille Prats sa ikalawang pagkakataon sa fiancé na si VJ Yambao sa susunod na taon, hinintay muna nito ang desisyon ng anak na si Nathan.

Si Nathan ay anak ni Camille sa unang husband na si Anthony Linsangan na binawian ng buhay noong 2011 sa sakit na nasopharyngeal carcinoma.

ADVERTISING

Ayon kay Camille nang makausap namin sa presscon ng “Wish I May”, mahalaga ang approval ng anak sa magiging ikalawang ama nito na si VJ nga.

“Importante para sa akin na approve kay Nathan na papasok si VJ sa buhay naming mag-ina. For the past four years, kami lang kasing dalawa. Siyempre magkakaroon ng pagbabago kapag nandiyan na si VJ.

“Gusto ko rin kasi na isang tao lang ang papasok sa buhay namin at ‘yun na ang taong makakasama namin forever. Mahirap kasi na iba-ibang lalaki ang makikilala ng anak ko. Gusto ko isa lang at ‘yun na ‘yun.

“Kaya kinausap ko nang maayos si Nathan. Kung gusto ba niya si VJ to be his next dad? Pag-isipan niyang mabuti, because whatever his decision is, ‘yun na ang pagkakasunduan namin.”

Hindi raw naghintay nang matagal si Camille Prats para sa magiging sagot ng anak. Pagkatapos nilang mag-usap, kinabukasan ay may sagot na si Nathan sa kanya.

“The next day nga, Nathan said na gusto na niya si VJ. He wants VJ to be a part of our life. Sabi ko, ‘Ang dali naman palang kausapin ang anak ko.’ Kaya natuwa naman ako kasi I wanted my son to say yes. Kasi naniniwala ako na there will only be one person to come back into your life. And I believe na si VJ ‘yun,” say pa ni Camille.

Ang tawag nga raw ni Nathan kay VJ ay Tito VJ. Pero kapag ikinasal na raw sila ay daddy na ang itatawag ng anak.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING