KAKAI BAUTISTA: Nagmahal at umasa sa ‘relasyon’ nila ni Ahron Villena na waley pala!

ADVERTISING

KAKAI BAUTISTA: Nagmahal at umasa sa 'relasyon' nila ni Ahron Villena na waley pala!

KAKAI BAUTISTA: Nagmahal at umasa sa 'relasyon' nila ni Ahron Villena na waley pala!
Ahron Villena and Kakai Bautista

NALOKA LANG AKO sa namumuong “giyera” sa dating magkaibigan o mag-lovers na sina Kakai Bautista at Ahron Villena na nagsimula almost two years ago.

 
Sa social media account ni Kakai, out of the blue ay may hugot siya kay Ahron na noon pa man, hindi malinaw sa madla kung ano ba sila sa mga pa-tweetums na pa-epek nila sa mga social media postings nila.
 
KAKAI BAUTISTA: Nagmahal at umasa sa 'relasyon' nila ni Ahron Villena na waley pala!
Kakai Bautista

Malinaw na for the sake of publicity (use me and I’ll use you my friend ba?)  ang ginawa ng dalawa para mapagusapan sila na siyang konklusyon ng isang veteran entertainment writer sa isyu ng dalawa ngayon.

 
Noong panahon na pinagpipistahan sila sa kuning-kuning nilang ”relasyon” ay ayaw nila mag-confirm kung sila ba ang magkarelasyon o hindi hanggang sa naging maasim ang kinauwian ng kanilang “pagmamahalan”.
 
May pa-epek pa nga si Kakai sa isang interbyu noon na: “We were enjoying each other’s company, we were good friends. Whatever it was, it was special and we were happy,” statement ng komedyante-singer.
 
Sa katunayan, may basher pa nga kay Ahron noon na kinu-kwestyun ang sexuality ng “bestie” niya na ang gustong itawid na mensahe ay bading ang kaibigan na agad-agad ay dinipensa pa nito ang kaibigan na ang sagot niya: “FYI po he’s not gay.”
 
Pasakay pa more na malamang, meron isa sa kanila ang assuming at meron din ang may feeling na ride-on na lang.
 
Kung kailan nagsawa na ang madlang pipol sa “relasyon” na fake ng dalawa, heto’t biglang naglabas ng kanyang hugot si Kakai sa dating “karelasyon: ” Hindi kami on  speaking terms dati, pero nagkita kami ulit. We had dinner. Okay na kami. Hindi namin pinag-usapan yung past. Basta ang importante, puwede kaming magtrabaho, masaya ka, masaya na ako, di ba?” sabi ng komedyante sa media,
 
Kung kailan naibaon na ang isyu, doon naman umeksena at binuhay ni Kakai ang relasyon kuno nila ni Ahron for the sake of her recent show last Tuesday.
 
Iba nga naman talaga ang ang diskarte ng “I use you” syndrome sa showbiz.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING