Cacai Bauitista, napasugod sa simbahan nang malamang kasama siya sa AlDub movie

ADVERTISING

Cacai Bauitista, napasugod sa simbahan nang malamang kasama siya sa AlDub movie

Cacai Bautista With The Cast Of "Imagine You & Me" Jerald Napoles, Maine Mendoza, Alden Richards, & Cai Cortez
Cacai Bautista With The Cast Of “Imagine You & Me” Jerald Napoles, Maine Mendoza, Alden Richards, & Cai Cortez

Isang malaking karangalan at dream come true raw para sa mahusay na komedyana na si Cacai Bautista ang makatrabaho at makasama sa pelikulang “Imagine You & Me” na pinagbibidahan ng Phenomenal Loe Team nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Kuwento nga ni Cacai Bautista, super fan daw siya ng AlDub mula nang nagsisimula pa lang ng love team ng mga ito sa kalye serye at magpahanggang ngayon.

Dagdag na kuwento pa nga nito na nagsimba pa siya bilang pasasalamat sa pagkakasama niya sa movie nina Alden Richards at Maine.

Saksi nga raw si Cacai sa kulitan at ka-sweet-an nina Alden at Maine, na labis nitong ikinakikilig habang sini-shoot nila ang “Imagine You & Me” sa direksiyon ni Mike Tuviera para sa APT Entertainment, GMA Films, at M-Zet Television, Inc.

Kaibigan ni Maine ang role na ginagampanan ni Cacai sa nasabing pelikula.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING