Buwelta ni Sunshine Cruz kay Kathy Dupaya: ‘Wag mong palabasin na ginamit o pinerahan kita’

ADVERTISING

Buwelta ni Sunshine Cruz kay Kathy Dupaya: ‘Wag mong palabasin na ginamit o pinerahan kita’

Buwelta ni Sunshine Cruz kay Kathy Dupaya: ‘Wag mong palabasin na ginamit o pinerahan kita’
Sunshine Cruz

MAY BUWELTA si Sunshine Cruz sa Brunei-based businesswoman na si Kathy Dupaya tungkol sa isyu ng diumano’y panlalaglag sa kanya ng aktres tungkol sa ‘scam issue’ na kinasasangkutan nito ngayon.

Nilinaw din ni Sunshine kuno ano ang totoo tungkol sa mga “free travels” nila ng businesswoman.

Post ni Sunshine sa kanyang Instagram account: “Paris, yes you took me there. I was of course grateful and in return I gave you an authentic Gucci antigona bag because I always believe na ang friendship ay give and take. You left me alone in Paris after a day and I stayed with my sister for two weeks because she’s based there.

“Singapore, yes you brought me there for two days but I hardly saw you kasi nasa casino ka and you did not want me to watch you.”

ADVERTISING

Idinagdag din ng aktres na hindi naman niya pinapa-shoulder ang kung anumang expenses niya kapag nagsa-shopping na katulad ng pinapangalandakan  ni Dupaya.

“Mrs. Dupaya, kung meron akong gusto o luho, kaya ko bilhin at hindi ko sa ‘yo iaasa. Gifts are gifts, sabi mo nga at utang ay utangLagi mo sinasabi sa akin/sa amin yan.

“To cut the story short, ‘wag mo palabasin na ginamit o pinerahan kita dahil di ka maiiyak o masasaktan ng ganito if I was not a good friend to you. Kaya lang sana di mo ako sinaraan at nag-focus ka sa issue,” post pa ni Sunshine.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING